BULACAN — NAGING pahirapan ang pagsagip ng mga tauhan ng PDRRMO Rescue Responders sa isang pamilya na lulan L300 Van na aksidenteng naatrasan ng isang dump truck sa paahon na bahagi ng Sitio Tugatog, Brgy. Marungko sa bayan ng Angat nitong Miyerkules ng Gabi.
Sa inisyal na report na tinanggap ni Ret.Col. Manuel Lukban Jr. ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, kinailangan pang gumamit ng hydraulic extractor upang mailabas sa napisak na sasakyan ng mga biktima.
Nakilalang ang mga nasawing biktima na sina Angielyn Herrera at mga anak nito na sina alyas Andrie, 6-anyos at alyas Sky, 2-anyos habang sugatan naman ang asawa nito na si John Jovy Herrera, residente ng Brgy, Binagbag Angat.
Sa inisyal na report ng mga awtoridad, ganap na alas-9:00 ng gabi nang maganda ang trahedya kung saan umatras ang Howo Truck na may plakang NBB-7921 kung saan nawalan ng kontrol at naatrasan ang nasa likurang bahagi na Mitsubishi L300 van na may plate no. PIE 431 na halos mawasak.
Nabatid na dead on arrival sa pagamutan ang mag-iina habang patuloy na ginagamot ang padre de pamilya.
Samantala, nahaharap naman sa patong-patong na kaso ang driver ng truck na si John Arn De Castro, 26-anyos ng Brgy. Sapang Putik, San Ildefonso, Bulacan.
Detenido ngayon ang suspek sa Angat Municipal Jail sa 3 kaso ng Homicide.
THONY ARCENAL