(Mag-iinang Robredo balik-Pinas na) LENI–SARA FACE-TO-FACE INAASAHAN

ANUMANG ARAW o oras ay maaaring mag-face-to-face sina outgoing Vice President Leni Robredo at VP-Elect Sara Duterte para sa pagsasalin ng responsilidad o smooth transition.

Magugunitang sinabi ni Duterte na lumihan na siya sa kampo ni Robredo para sa maayos na transition at kasunod nito ay ang pagbabalik-bansa ng mag-iina mula sa Estados Unidos.

Sinabi naman ni Liloan Mayor Christina Frasco na kahit nasa US pa si Robredo ay nagsimula na ang transition of powers ng magkabilang panig at ang posibilidad na pahaharap nina Duterte at Robredo ay pormalidad na lamang.

Nagtungo ang mag-iina sa New York City para sa graduation ng bunso ni Robredo na si Jillian.

Kinumpirma naman ng mga staff sa Office of the Vice President na nakauwi na nga sa Pilipinas ang mag-iina nitong Sabado, May 28.

Bago umalis sa bansa noong Mayo 15, sinabi ni Robredo na naghahanda na kanyang grupo para ilunsad ang Angat Buhay program, isang non-government organization na kinabibilangang ng mga volunteer para tuparin ang pangako noong kampanya na tutulong sa mga mahihirap. EUNICE CELARIO