CATANDUANES-PATAY ang mag-ina matapos barilin ng kanilang padre de pamilya na isang pulis na nag- suicide matapos ang isinasagawang krimen sa Virac sa lalawigang ito.
Ayon kay Major Emsol Icawat , Assitant Police Community Affairs and Development – Public Information Offrice , patay ang tatlo matapos ang naganap na pamamaril sa Barangay Hawan Ilaya sa bayan Virac, Catanduanes pasado ala-1 kahapon ng madaling araw.
Sa ulat ng Virac MPS, isang tawag ang kanilang natanggap mula sa isang concerned citizen tungkol sa insidente ng pamamaril sa lugar.
Agad rumesponde ang MDRRMO ng Virac kung saan inabutan ang mag-asawa na nakahandusay ay kapwa tigmak ng dugo.
Gayundin, humihinga pa ang 3-anyos na bata nang abutan sa lugar kaya agad itong isinugod sa ospital upang bigyan ng lunas subalit idineklarang dead on arrival.
Sa impormasyong ibinahagi ni Major Malou Calubaquib, taga pagsalita ng PNP-PRO5 , galing sa isang inuman ang suspek na kinilala si “Jay”, 25-anyos, aktibong miyembro ng PNP nang magkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng kanyang asawa.
Bumunot ng baril ang suspek at binaril sa ulo ang 28&anyos na miss na si “Joy” habang nakatalikod na tumagos sa karga nitong bata.
Matapos ang insidente ay nagpatiwakal din ang suspek gamit ang service firearm nito na sinasabing selos Ang dahilan ng kanilang pagtatalo.
Ang mga labi ay isinailalim sa Postmortem examination ng Virac Rural Health unit na pawang nagtamo ito ng isang tama ng bala sa ulo.VERLIN RUIZ