MAG-INA TODAS SA PAMAMARIL NG BINARIL NG EX-BOYFRIEND

carcar

CEBU – ISA malamig na bangkay nang matagpuan ang katawan ng mag-ina matapos barilin ng dating kasintahan ng ginang na naganap sa bayan ng Carcar sa lalawigang ito.

Ang mag-inang biktima ay kinilalang  sina Jennive, 38-anyos at anak nitong si Valerie Megan Abella, 14-anyos, grade 8 student at  residente ng Sitio San Roque, Barangay Valladolid, ng bayan.

Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Jetur Lapiña, 64-anyos, real estate agent at naka­tira sa nasabing lugar.

Ayon kay Lt. Col. Rolando Barraquio, hepe ng Carcar City Police Station, bandang alas-7 ng gabi nang naganap ang krimen sa bahay mismo ng mag-ina.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, bago ang krimen nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at ang ginang hanggang sa nakarinig na lamang ng mga putok ng baril ang kanilang kapitbahay.

Dito, nakita na lamang nilang duguan ang mag-ina kaya agad silang humingi ng tulong sa pulisya.

Sa pagresponde ng mga awtoridad sa nabanggit na lugar, naabutan nila ang mag-ina na may mga tama ng bala .45 kalibre na baril sa tiyan at kapwa wala ng buhay.

Sa pahayag naman ng kapatid ng biktima na si Jennive at ang suspek ay madalas nagtatalo dahil sa selos ng huli.

Agad naman nagsagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagdakip sa suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong double murder.

EVELYN GARCIA