MAG-INA TODAS SA SAKSAK NI MISTER

BULACAN- PATAY sa saksak ang mag-ina matapos ang mainitang pagtatalo ng lasing na mister habang nakaligtas naman ang dalawang pang menor de edad sa Purok 4, Brgy. San Agustin, sa bayan ng Hagonoy sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director Col.Relly B Arnedo, kinilala ang nasawing misis na si Dorry Navarro Y Lorenzo at anak nito na si Jenny Rose Lorenzo Y Lopez alyas Jeng.

Nadakip naman suspek na mister na si Boyet Panzo Y Cayetuna, 30-anyos na kapwa residente ng Purok 2 Mababang lupa, Brgy San Agustin.

Habang nakaligtas naman ang dalawang menor de edad na sina alyas Jebho ,10-anyos, anak ng biktima at pamangkin nito na 3- buwang gulang na batang lalaki.

Base sa imbestigasyon ni Major Reginal Turla, nakaroon ng mainitang pagtatalo mag-asawa.

At dahil sa impluwensiya ng alak ay nandilim ang paningin ng suspek at nasaksak ang kanyang mag-ina at sinubukan pa nito na habulin ang mag-pinsan subalit nakatakas sa tulong na rin ng ilang concern citizen.

Samantala kasong attempted murder at double murder ang isasampa laban sa suspek. THONY ARCENAL