CAGAYAN – WALA pang resulta ang pag-aaral ng Department of Health (DOH) kung maikokonsiderang ‘person under investigation’ (PUI) ang mag-inang trinangkaso na may ubo at sipon.
Inaalam pa ng mga dalubhasa ang napaulat na nakitaan ng senyales ng novel coronavirus (nCoV) sa Nueva Vizcaya.
Ayon kay Pauleen Atal ng DOH-Region 2 na naka-isolate sa isang pagamutan sa Nueva Vizcaya ang mag-ina at patuloy na inoobserbahan dahil sa kanilang lagnat at pagsusuka.
Nabatid na kababalik lamang ng mag-ina sa bansang Hong Kong na may kumpirmadong kaso ng nCoV.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DOH sa ospital kung saan naka-admit ang mag-ina. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.