MAG-INGAT SA ‘12 SCAMS OF CHRISTMAS’

NGAYONG papalapit na ang holiday season ay asahang ma­­gi­­­­g­ing talamak ang iba’t ibang uri ng panloloko sa publiko.

Ibinabala ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang tinatawag nitong “12 Scams of Christmas” kung saan dapat mag-ingat ang publiko.

Ang mga Ito ay kinabibila­ngan ng  pekeng online charities, phishing link na isini-send sa pamamagitan ng email o text message, pekeng deliveries, pe­keng tech support, at mga pekeng kamag-anak.

Pinag-iingat din ng CICC ang publiko sa mga scammer na nagpapanggap na miyembro ng pamilya, online shopping scam, love scam, pekeng job offers, mga scammer na nagpapaawa online, mga scammer na nagbabantang lumabag ka sa batas, at mga alok na “too good to be true.”

Naglabas naman ang ScamWatch ng apat na kontra scam attitudes upang maiwasang mabiktima ng cybercrime.

Ayon sa grupo, ugaliing magdamot, magduda, mang-isnab, at magsumbong.

Maging alerto at alisto laban sa mga panlolokong ito at agad na magsumbong sa DICT hotline 1326 o sa DICT e-Gov super app.

Huwag nating hayaang ma­kulimbat ng mga walang konsensiyang scammer ang ating mga pinaghirapan.