BINALAAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino kaugnay sa job offers na nakikita sa social media.
Ito ay matapos mailigtas ang may 27 Pinay mula sa isang sex trafficking syndicate sa Malaysia.
Ayon kay Philippine Ambassador to Malaysia Charles Jose, ginamit ng sindikato ang social media para mag-alok ng trabaho bilang promodizer ng alak sa apat na establisimiyento sa Singapore.
Dahil dito, hinikayat ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang mga Filipino na pag-isipang mabuti bago mag-apply sa mga nakikitang job opportunities online.
Aniya, maraming kaso ng mga Filipinong nabibiktima at nauuwi ang trabaho bilang kasambahay sa iba’t ibang bansa.
Comments are closed.