BINALAAN ng pulisya ang publiko hinggil sa mga nagsasanla ng automated teller machine (ATM) cards makaraang dumulog ang isang negosyante sa mga awtoridad nang mabiktima siya ng isang sindikato sa lungsod ng Caloocan
Kinilala ni Chief Insp. Angelo Nicolas, Head of District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) ang mga naarestong suspek na sina Julsen Navarro, 41; Evelyn Sebastian, Stephanie Guevarra, at Nanding Guevarra, 55 ng Maynila.
Unang dumulog sa mga awtoridad si Imelda Villarosa ng Kaunlaran Village, Caloocan matapos nitong madiskubre na ang 46 ATM cards na isinangla sa kanya ng mga suspek sa halagang P250,000 ay mga peke.
Isang entrapment operation ang ikanasa ng mga tauhan ng DSOU at District Investigation and Detection Management Division (DIDMD) dakong alas-4:40 ng hapon sa Tanigue St., Kaunlaran Village na nagresulta sa pagkakaaresto kay Navarro, Sebastian at Guevarra at nakuha sa kanila ang apat na pekeng ATM cards.
Itinuro naman ng tatlo si Guevarra kaya nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya na nagresulta rin sa pagkakaaresto nito sa C.M Recto Avenue at narekober sa kanya ang pitong pekeng ATM cards na may iba’t ibang bogus na pangalan at account numbers. EVELYN GARCIA
Comments are closed.