MAG-INGAT SA W.I.L.D. DISEASES-DOH

Francisco Duque III

PINAYUHAN ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-ingat dahil sa  posibilidad ng pagkalat ng mga tinaguriang ‘W.I.L.D. diseases’, bunsod na rin ng mga malalakas na bagyo na tumama sa bansa nitong mga nakalipas na araw.

Nabatid na ang W.I.L.D. diseases ay ang mga ‘waterborne at foodborne na sakit, influenza, leptospirosis at dengue’ na karaniwang tumatama sa mga komunidad na nasalanta ng bagyo dahil sa kawalan ng suplay ng malinis na tubig at pagkain.

“We are very wary of possible outbreak of communicable, waterborne and vector-borne diseases after disasters, lalo pa ngayong may pandemiya na maaring magdulot ng complex situation,”  ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Aniya, dahil dito bago pa lang pumasok ang rainy season ay naglabas na sila ng guidelines para sa mga regional offices ng DOH upang makapaghanda ng contingency measures laban sa mga sakit ng kung tawagin ay W.I.L.D. diseases.

Inalerto na rin ng DOH ang kanilang Centers for Health Development para sa masusing pagtukoy sa posibleng pagkalat ng naturang mga sakit katuwang ang mga lokal na pamahalaan.

Ipinaliwanag pa ng DOH na ang ‘influenza’ ay karaniwang tumataas sa mga buwan ng Hulyo at Oktubre tuwing tag-ulan.

Ang maruming tubig baha naman ay pinamumugaran ng mga lamok na nagdudulot ng mga sakit tulad ng dengue at malaria, at kung kontaminado ito ng ihi ng daga ay maaari itong magdulot ng leptospirosis.

Ang kawalan naman ng suplay ng malinis na tubig ay maaaring magdulot ng iba pang mga sakit tulad ng cholera, typhoid fever, dysentery, amoebiasis, hepatitis A at acute gastroenteritis. ANA ROSARIO HERNANDEZ

5 thoughts on “MAG-INGAT SA W.I.L.D. DISEASES-DOH”

  1. 815046 318097Largest lover messages were produced to share it with your and gives honour of the bride and groom. Quite sound systems facing unnecessary throngs of people need to take into account each of our valuable concept of all presenting, which is ones trailer. very best man toasts 173435

  2. 231955 596747In the event you have been injured as a result of a defective IVC Filter, you need to contact an experienced attorney practicing in medical malpractice cases, specifically someone with experience in these lawsuits. 837411

  3. 79655 6553071 can undertake all sorts of advised excursions with assorted limousine functions. Various offer fantastic courses and numerous can take clients for just about any ride your bike more than the investment banking area, or even for a vacation to new york. ??????? 176363

Leave a Reply

Your email address will not be published.