MAG-INVEST SA AGRIBUSINESS

Department of Agriculture-Cordillera Administrative Region

HINIMOK ng Department of Agriculture-Cordillera Administrative Region (DA-CAR) ang overseas Filipino workers (OFWs) na pumasok sa pamumuhunan sa ­agrikultura.

Ito ay kasunod ng pagsasagawa ng Agribusiness Marketing Assistance Division (AMAD) ng DA-CAR ng Agribusiness Investment Forum sa Baguio City.

Ayon kay Atty. Jennilyn Dawayan, DA-CAR Regional Technical Director for Research and Regulations, magsasagawa ang departamento ng agribusiness opportunities na makatutulong sa OFWs.

Napag-alamang bahagi ng forum ang free range chicken production, Tissue-Culture Strawberry Production and Lettuce, Chinese Cabbage, Cabbage Production at iba pa.

Sinuguro naman ng opisyal na ipagpapatuloy ng DA ang pagtulong at pagsuporta sa hanay ng mga OFW para mapaunlad ang kanilang kabuhayan.  BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.