HINIMOK ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga foreign investor na dalhin ang advanced technology sa local financial ecosystem.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, sa pamamagitan nito ay mabibigyan sila ng access sa “untapped potential in the space.”
“As we build our digital finance ecosystem, we encourage foreign investors who may bring advanced technologies and technical expertise to take advantage of untapped potential in the financial services space and be our partners in achieving our economic growth and financial inclusion objectives,” pahayag ni Diokno sa Philippine Economic Briefing for Foreign Chambers of Commerce na magkatuwang na inorganisa ng BSP at ng Department of Finance (DOF).
Ayon sa 2019 Financial Inclusion Survey ng BSP, 71 percent ng 51.2 million Filipino adults ang walang bank accounts habang 30.8 percent ng mga lungsod at munisipalidad ang walang banking offices hanggang noong third quarter ng 2020.
Gayunman ay pinabilis ng pandemya ang digital adoption at banking inclusion.
“By investing in financial technology, service providers and investors may tap into a wide client base, diversify revenue sources, and secure new growth opportunities in the country thereby improving efficiency in banking operations,” sabi pa ni Diokno.
Dagdag pa niya, palalakasin ng knowledge transfer at innovation ang ‘competItiveness’ng local banks.
Isinusulong din ng central bank ang digitalization sa ilalim ng 2023 Digitalization Roadmap nito bilang paghahanda sa isang future-ready financial landscape.
Sa ilalim ng roadmap, target ng BSP na i-digitize ang 50 percent ng payments at mahikayat ang 70 percent ng populasyon na magbukas ng bank accounts sa 2023.
Sa pinakahuling report ng BSP noong Oktubre, isa sa limang payments ang digital na ngayon.