HELLO everyone! Ito po ang AskUrBanker. Tuwing Sabado, ako po ang inyong makakasama, ang inyong Kuya Mark, at ako po ang tutulong sa inyong humanap ng kasagutan sa inyong mga question marks about banking.
Ngayong Sabado, ating pag-uusapan ang kahalagahan ng pag-iipon ng pera ngayong bagong taon.
Mga kaibigan, 2019 na. Ating simulan ang taong ito sa pamamagitan ng pag-iipon. Marahil ang karamihan sa ating mga New Year’s resolution ay ang pagpapapayat at pagsama ng exercise sa ating lifestyle. Ngunit naisulat mo na rin ba sa iyong New Year’s resolution list ang pag-iipon ng pera? Ngayong simula ng taon, magandang makasanayan na natin ang pag-iipon. Hindi lamang para sa mga plano natin ngayong taon tulad ng travel at leisure, kung hindi para na rin sa mga emergency na maaari nating harapin. Ika nga, iba na ang laging handa.
Mabilis isipin ang pag-iipon, ngunit mahirap itong gawin para sa ilan. Isa sa mga nagiging balakid dito ay ang mindset na ‘maliit lamang na suweldo’ at ‘maraming gastusin sa bahay’. Karaniwan lamang ito para sa mga taong kadalasang pinangungunahan ng takot sa halip na planuhin at gawin ang pag-iipon. Ang madalas na ginagawa natin kaya kakarampot o wala na talagang natitirang pera para sa pag-iipon ay: Suweldo – Expenses = Savings. Sa ganitong pamamaraan, hindi talaga tayo makakaipon dahil ating inuuna ang gastusin sa pormula.
Ngunit paano nga ba ang tamang pag-iipon? Upang mabago ang nakasanayang mindset, mainam na sundin ang tamang pormula: Suweldo – Savings = Expenses. Siguraduhin na pagkasuweldo, ilaan agad ang ilang porsiyento nito, at least 20% para sa savings. Halimbawa, kung ikaw ay kumikita ng P15,000 kada buwan, ang 20% nito ay P3,000. Kada buwan, kailangan mo nang ihiwalay agad ang P3,000 para sa iyong pag-iipon. Ang matitirang pera ay ang iyong gagamitin para sa iyong mga pang araw-araw na expenses.
Mahalaga na laging ibawas na muna natin mula sa ating suweldo ang halagang iipunin kada buwan upang ating ma-manage nang maayos ang ating expenses. Mag-set ng monthly budget para makontrol ang expenses. Huwag ding gagastos nang basta-basta. Planuhing mabuti at isipin kung kailangan mo ba talaga ang mga bagay na pagkakagastusan mo. Gumawa ng listahan at siguraduhing nasusunod ito. Sa ganitong paraan, masasanay mo ang iyong sarili na maging responsable sa paghawak ng pera, at ang pinakaimportante sa lahat, ikaw ay makakaipon ng pera.
Upang hindi magalaw at magastos ang perang iyong iniipon, ilagay mo ito sa isang bank account. Bukod sa mapapanatili mong ligtas ang iyong pera, kikita pa ito ng interes!
Kaagapay mo sa pag-iipon ang AUB. Pumunta lamang sa pinakamalapit na AUB branch at magbukas na ng savings account upang makapag-umpisa ka nang mag-ipon kada buwan.
Alamin din ang iba’t iba pang products at services ng AUB sa www.aub.com.ph o kaya naman ay i-follow ang AUB sa Facebook (AUB.official) o sa Twitter/Instagram at Youtube (AUBofficialph).
Remember, it is always best to AskUrBanker! Hanggang sa susunod.
Comments are closed.