MAG-LIVE IN, 1 PA TIMBOG SA BUY BUST

TATLONG tulak ng ile­gal na droga, kabilang ang mag live-in partner ang arestado matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela City.

Ayon kay Cpl Christopher Quiao, nakatanggap ang mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa Lt Joel Madregalejo ng impormasyon mula sa kanilang impormante na nagbebenta umano ng shabu si Francis Cruz alyas “Joven”, 41-anyos at kanyang live-in na si Toni Rose Morales, 30-anyos, kapwa residente ng Captain Cruz St., Brgy. Parada.

Dahil dito, nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni Lt Doddie Aguirre ng buy bust operation sa Captain Cruz Street dakong ala-5:40 ng madaling araw.

Agad inaresto nina Cpl Jhun Ahmard Arances, Cpl Mario Baquiran at Cpl Jocem Dela Rosa ang mga suspek matapos bentahan ng P8,500 ha­laga ng shabu ang isa sa kanila na umakto bilang poseur-buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t-kumulang 30 gramo ng shabu na may standard drug price P204,000.00, marked money na isang P500 bill at walong P1,000 boodle money at coin purse.

Alas-4:45 naman ng madaling araw nang madakma rin ng kabilang team ng SDEU si Elmer Tibulan, 28-anyos matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu si Cpl Jayson Arce na umakto bilang poseur-buyer sa buy bust operation sa Casareval St., Northville 1, Brgy., Bignay.

Ani Cpl Pamela Joy Catalla, nakuha sa suspek ang dalawang transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu, marked money, P200 cash, cellphone at coin purse.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022. EVELYN GARCIA