MAG-MAINTAIN NG MALIIT NA BAHAY PARA MAKATIPID

MALIIT NA BAHAY

BY KAYE NEBRE MARTIN

Maliit na bahay. Parang mas praktikal na ngayong magpagawa ng maliit na bahay kesa conventional house na may two bedrooms, dahil napakamahal ng lupa at sa totoo lang, napakamahal ding magpagawa ng bahay at napakahirap i-maintain nito lalo na kung mahilig kang mag-imbak ng kung anu-ano.

Kung maliit ang bahay mo, kailangang minimalist ka rin, kahit sa damit. Ipamigay mo na ang mga damit na hindi mo ginagamit, linisin ding mabuti ang sahig at counters, at pi­liting kakaunti lang ang kalat para magmukhang maliwanag ang bahay.

Ang tatlong pinakamalaking problema sa kahit anong bahay sa Pilipinas ay ang cooling system at plumbing system, pero dahil maliit lang ang bahay mo, pwede na ang half-horse power na air-conditioning.

Hindi gaanong magastos mag-maintain ng maliit na bahay. Sa buwanang gastos, pwedeng ganito lang ang gastusin:

Food & utilities                  P2,500-P15,000

Travel/Transportation     P1,000-P25,000

Maintenance  P500

Mura naman talaga ang maliit na bahay. Si­guro, kung may P100,000 ka, pwede na – kumpara sa typical house na umaabot na ngayon sa P700,000-P1 million. Maliit din ang maintenance nito tulad ng utilities (tubig, ilaw, internet, cable). Kahit nga sa decorations at furnitures, mas mura rin. By the way, dapat nga pala, maliliit lang din ang appliances. Ma­liit na ref, washing machine, Oven at kung anu-ano pang gadgets. Ang TV, pwedeng Malaki dahil isasabit naman ito sa dingding.

Sa maliit na bahay, hindi rin kailangan ng malaking lupa. Kung me­ron kang 100 square meters at 25sqm lang ang tiny house mo, pwede ka pang magpagawa ng swimming pool, hindi ba? Pwede ka ring magkaroon ng maliit na vegetable garden at maliit na chicken coop. Bongga, di ba?

Generally, kung nakatira ka sa maliit na bahay, asahan mong gagastos ka ng mula Php25,000-Php50,000 buwan-buwan depende sa standard of living na gusto mo – kasama na diyan ang lahat ng expenses pati na ang education at health expenses. Pwedeng mas mura pa, kung hindi ka naman materyosang tao, at ang biggest expenses mo ay sa pagkain lang.

Sa ibang bansa, ang mga tiny home ay sa trailer o van lamang kaya walang lupang mini-maintain. Mas matipid ito lalo na at uso ngayon ang mga solar lights at solar generators. Kahit pa sa’yo rin ang lupang pinagpaparadahan mo, hindi pa rin magastos, dahil gasoline na lamang ang gastos, at pwede ka pang pumunta kahit saan. Palagi mo pang kasama ang pamilya mo at hindi ka mag-aalala sa yaya ng anak mo, dahil mabibisita mo sila kahit nagtatrabaho ka.

Pero dapat din ninyong alalahaning madaling mag-depreciate ang maliliit na bahay, lalo na kung on wheels nga ito. In fairness, madali itong palitan.

Sa disadvantages naman ng pagtira sa maliit na bahay, mahirap magluto sa maliit na bahay – kasi nga maliit ang space. Lahat ng amoy ng ulam, iikot sa buong bahay. Yung toilet, mahirap ding i-dispose. Syempre, maliit din ang septic tank. Pero sa manila, mas mabuti na ang tiny home kesa wala. Ang mahal kaya ng renta ng apartment!