MAG-UTOL DINEDO SA ALITAN SA LUPA

BENGUET-PINANINIWALAANG land dispute ang pa­ngunahing dahilan kaya brutal na pinatay ang mag-utol na lalaki makaraang ratratin ng mag- utol na miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit ( CAFGU) sa Sitio Lebeng, Brgy. Lusod, bayan ng Kabayan sa lalawigang ito.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Agustin Sin­poda Ballagan, 59-anyos at Cristiano Sinpoda Ballagan, 43-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Sa ulat na nakarating kay Cordillera police director Brig. Gen. Ronald Lee, nagsanib puwersa ang mga operatiba ng Cordillera Police at Philippine Army troopers ng 54th Infantry Battalion kaya nasakote ang suspek na si Joel Asingco, 32-anyos.

Samantala,tinutugis naman ang kanyang utol na si Abron “Lakay” Asingco, kapwa nakatalaga sa Gumhang Patrol Base sa bayan ng Tinoc, Ifugao.

Nabatid na binitbit na si Joel Asingco sa Kabayan police station para kunan ng larawan, fingerprint at booking.

Ayon naman kay Benguet Police Director Col. Reynaldo Pasiwen, ang baril na ginamit sa krimen ay sinasabing itinapon sa Baay River sa hangganan ng bayan ng Kabayan, Benguet at bayan ng Tinoc sa Ifugao. MHAR BASCO

2 thoughts on “MAG-UTOL DINEDO SA ALITAN SA LUPA”

  1. It’s tһe best timе to make some plans for thе
    future and it is timе to be hаppy. І’ve read
    this pߋist and if I coild I deѕire to suggеst you
    ffew interеesting things or advice. Perhaps
    yyou could write next articles referring to this article. I desіre to reaɗ moгe things aƄout
    it!

    Look into my web-site … Valentine’s Day Cards

  2. It’s enormous that you are getting ideas from this piece of writing as
    well as from our dialogue made at this time.

Comments are closed.