DAVAO DEL SUR – MATINDING selos ang isa sa dahilan kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang lalaki ang kanyang live-in partner, kapatid nito at kaibigang babae sa loob ng boarding house sa Sunrise Village, Barangay Matina, sa Davao City, Davao del Sur, kahapon ng madaling araw.
Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang mga biktimang sina Jessa May Abitona, Jesy bell Abitona at Carly Jiff Salianon, habang ang suspek na si Daryl Aguilar na nagsaksak sa sarili ay kasalukuyang ginagamot na sa hospital.
Nabatid sa police report, bandang ala-1 ng madaling araw nang dumating ang suspek sa boarding house kung saan hinanap ang pantalon sa kanyang live-in partner na si Jessa.
Gayunman, hindi kinibo ng mga biktima ang suspek kaya nagtatatalak ito sabay na inundayan ng saksak ang tatlo na nakaupo. Mismong suspek ang nakipag-ugnayan sa landlady ng boarding house para tumawag ng pulis.
Narinig ng ilang ka-boarding house ang sigawan ng mga biktima kung saan hindi naman akalain ng landlady na nagtangkang magpakamatay ng suspek sa pamamagitan ng saksak sa tiyan subalit mabilis naman itong naisugod sa pagamutan.
Narekober sa crime scene ang patalim na ginamit ng suspek at sling bag na naglalaman ng personal na gamit at isang cal. 38 revolver na sinasabing walang kaukulang papeles. MHAR BASCO
Comments are closed.