MAG-UTOL NA LADY PUSHER, 1 PA BALIK-SELDA

shabu

BULACAN – BALIK-KULUNGAN ang tatlong big-time drug peddler sa bayan ng Baliwag kabilang ang dalawang magkapatid na babae na ang isa ay  top 2 most wanted person (MWP) at nasa PNP/PDEA unified drug watchlist makaraang kumagat sila sa inilatag na anti-drug ope­ration sa Barangay Poblacion ka­makalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Col. Lawrence B. Cajipe, Acting Provincial Director ng Bulacan-PNP, ang mga nadakip na sina Everlinda Salmo y Roman alyas Ever, 57-anyos, kabilang sa PNP/PDEA unified watchlist at top 2 MWP sa Baliwag Municipal Police, kapatid nitong si Lea Roman y Cunanan alyas Leah, 44, at isa pa nilang kasamahang tulak na si George Batac y Bernardo alyas Ako, 40, pawang residente ng Barangay Poblacion, Baliwag.

Nabatid sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Baliwag-PNP na ang lady pusher na si Salmo ay nakulong ng halos dalawang taon at kalalaya pa lamang noong Disyembre habang ang kapatid nitong si Roman at Batac ay kapwa anim na taong napiit at pawang nadakip at nakulong ang tatlo dahil sa pagtutulak ng droga at muling bumalik sa dating ilegal na hanap-buhay. Nabatid na ipinasailalim sa week-long surveillance operation ng SDEU ng Baliwag police sa pamumuno ni P/Lt.Col.Jayson San Pedro, Baliwag police chief, ang magkapatid na kap­wa lady pusher at isa pa nilang kasama at nang kumagat ito sa buy bust ope­ration at nakumiskahan sila ng ilang pakete ng shabu, buy bust money at drug paraphernalias.

Balik na sa kulungan ang tatlong suspek at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA  9165. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.