MAG-UTOL NA NAKA-QUARANTINE SINAKSAK

saksak

QUEZON –  NAPATAY ang isa sa magkapatid na lalaki na sinasabing naka-14 day home quarantine makaraang saksakin ng kanilang nakaalitan habang naghahapunan sa SitioTigkay, Barangay Magsaysay sa bayan ng Infanta kamakalawa ng gabi sa lalawigang ito.

Base sa police report na nakarating kay P/ Major Joselito Araja, kinilala ang nasawi na si Cris Mark Astoveza, 24-anyos at ang sugatan nitong kapatid na si Jhun Astoveza, 38-anyos, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Jeremy Miras, 24-anyos ng Brgy. Pagdanganan, General Nakar, Quezon.

Nabatid sa ulat ng pulisya, magkasamang naghahapunan sa bahay  ang mag-utol at suspek  nang magkaroon ng mainitang pagtatalo hinggil sa kanilang dating awayan sa trabaho.

Agad umanong kumuha ng patalim si Miras at sunod sunod na sinaksak si Cris Mark, sinubukan umanong  tulungan ni Jhun ang nakababatang kapatid subalit inundayan din ito ng saksak ng suspek.

Hindi na umabot ng buhay sa Claro M. Recto Hospital si Cris habang nagpapagaling naman si Jhun na nagtamo ng saksak sa kaliwang braso at dibdib. BONG RIVERA

5 thoughts on “MAG-UTOL NA NAKA-QUARANTINE SINAKSAK”

  1. 653449 569989Yours is a prime example of informative writing. I believe my students could learn a great deal from your writing style and your content material. I may possibly share this post with them. 305325

Leave a Reply

Your email address will not be published.