NASAMSAM ang ilegal na droga sa mga suspek ng mga tauhan ng Quezon City Police District sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Joselito Esquivel Jr. at Batasan Police Station 6 sa ilalim ng pamumuno ni PLt Col Joel Villanueva sa kahabaan ng Mindanao Ave., Brgy. Bahay Toro, sa Quezon City.
Ayon sa ulat bandang alas-5:00 ng umaga ng Hunyo 6, 2019 ng ikasa ng mga tauhan ng Batasan Police ang buy bust operation laban sa mga suspek na sina Jason King, insurance coordinator, at kapatid nitong si Bryan King ng Valenzuela City.
Base sa mga tauhan ng Police Station 6 Batasan, mula sa SDEU Operatives ng ikasa ng mga ito ang buy bust operation laban sa mga suspek at maaresto ang mga ito.
Sinabi pa ni PLtCol Joel Villanueva na ang mga suspek ay mga bagong drug personalities na pumapasok sa lugar at nagbibigay ng droga sa bahagi ng Quezon City.
Samantala nakuha naman mula sa mga suspek ang apat na sachet ng imported marijuana o mas kilala sa tawag na Kush at P1,000 buy bust money, at isang sasakyan na APA7148.
Tinatayang aabot ang nakuhang Kush sa mga suspek na may 112 gramo sa halagang P168,000. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.