MAG-UTOL SA KASONG DOUBLE MURDER DEDO SA SHOOTOUT

CAVITE – Kamatayan ang sinapit ng mag-utol na sinasabing wanted sa kasong double murder sa bayan ng Naic matapos nakipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa isinagawang malawakang operasyon sa Brgy Kaybagal Central, Tagaytay City.

Kinilala ang magkapatid na suspek na sina Denmark Consumo at Ariel Consumo , kapwa nakatira sa Brgy Halang, bayan ng Naic.

Sa inisyal na police report ni P/Cpl Braiann Balani na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba na ang mga suspek ay nagtatago sa bahay ng kanilang kamag-anak sa nasabing lugar.

Gayunpaman, ikinasa ang manhunt operation sa pangunguna nina P/Lt Col. Resty Soriano ng Naic PNP, P/Lt Col Alladin Tamayo ng PMFC at P/Lt Col. Noel Calapatia ng Tagaytay PNP kung saan pinaligiran ang pinagkukutaan ng mga suspek.

Imbes na sumuko ay nakipagbarilan ang mga suspek kaya humantong sa kanilang kamatayan kung saan sangkot ang mag-utol sa pagpatay kay Richard Elleran ng Bronze Village 2 sa Brgy. Halang, Naic noong gabi ng October 14, 2021.

Sinasabing sangkot din ang mag-utol sa pamamaril sa isang residente sa Belmont Subd sa bayan ng Naic noong Abril 21, 2021 habang si Denmark naman ay nakulong na noong 2017 at 2019 sa kasong paglabag sa RA9165.

Narekober sa encounter site ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operative(SOCO) ang dalawang cal. 45 pistol at mga basyo ng bala ng baril habang patuloy pa rin ang imbestigasyon. Mhar Basco

145 thoughts on “MAG-UTOL SA KASONG DOUBLE MURDER DEDO SA SHOOTOUT”

  1. 200785 887221Hi there, just became aware of your blog by way of Google, and discovered that it is truly informative. Im gonna watch out for brussels. I will appreciate in the event you continue this in future. Lots of people is going to be benefited from your writing. Cheers! 586935

Comments are closed.