MAG-UTOL TIMBOG SA DROGA AT BARIL

QUEZON PRO­VINCE-NASAKOTE ng pinagsanib na puwersa ng Atimonan PNP, PIU Quezon, 2ND company QPFMC, RIU-4A/PIT Quezon at RID-RSOU na pinamunuan ni PD Col Joel Villanueva ang mag-utol dahil sa pag-iingat ng ilegal na droga at baril sa kanilang bahay sa isinagawang Search warrant ng mga awtoridad sa may Barangay Malinao Ilaya,bayan ng Atimonan.

Kinilala ni PD Villanueva ang naarestong sina Ferdinand Barradia Marantal,38-anyos at Arboy Barradia Marantal,31-anyos, kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Base sa report na ipinalabas ng Quezon Provincial Police Office (QPPO), sa bisa ng search warrant ay nakuha sa loob ng bahay at posesyon ng magkapatid ang mga droga na nagkakahalaga ng P170,000.00 at dalawang baril na kargado ng mga bala.

Nakuha sa pag-iingat ni Ferdinand ang isang cal.45 pistol at isang cal.9mm pistol naman kay Arboy na kargado rin ng mga bala.

Ayon kay PD Villanueva, sa tulong ng mga nakalap nilang intelligence report at halos anim na buwan nilang pagsubaybay sa mga ilegal na aktibidad at pagbebenta ng droga ng mag-utol na suspek ay nasibihan nila ang mga ito ng search warrant na nagresulta ng pagkakadakip sa dalawa.

Kasalukuyang nakakulong ang magkapatid na Marantal sa Atimonan PNP Custodial Facility na pinamumunuan ni Maj Reden Romasanta at sinampahan na ang mga ito ng mga kasong Violation of RA 10591 for illegal possession of firearms and ammunition at Section 11 and 12 of RA 9165 for possession of illegal drugs. BONG RIVERA