NORTH COTABATO- PINANINIWALAANG mga magnanakaw ang pumasok at tumaga sa magkapatid sa M’lang.
Ayon sa pulisya, pinasok at basta na lamang pinagtataga ng tatlong lalaki na naka-facemask ang magkapatid na babae at lalaki sa kanilang tahanan sa Brgy. Bagontapay.
Kinilala ng North Cotabato Police, tatlong lalaki ang pumasok sa bahay ng mga nasawi na sina Crizzel Gwyn Maguad.
“It’s very disturbing. Grabe, brutal ang pagpatay. According sa witness, tatlo, naka-face mask, [may] iba naman [nagsabing] may isang nakamotor,” ayon kay M’lang Vice Mayor Joselito Piñol.
Nagtamo ang magkapatid ng matitinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Kasama ng mga biktima ang kanilang kasambahay nang mangyari ang pananaga, pero nagawa umano nitong makatakbo sa isang saradong kwarto at agad humingi ng tulong sa pamamagitan ng social media.
Hindi pa nakakausap ang mga magulang ng biktima, na parehong wala sa bahay nang mangyari ang krimen.