MAG-UUTOL, 5 PA SAKOTE SA SHABU TRADE

SHABU-PUSHER

CAVITE – Rehas na bakal ang binagsakan ng mag-uutol at limang iba pa na sinasabing nasa drug watchlist bilang notorious shabu courier makaraang masakote ng mga awtoridad sa inilatag na anti-drug operation sa bahagi ng Mary Cris Complex, Barangay Pasong Camachille 2 sa General Trias City, ka­makalawa.

Inihahanda ang kasong paglabag sa Sec 5 at 11 ng Article II RA 9165 na kahaharapin ng mga suspek na sina Joanna “Joan” Biticon y Tamola, 45; Rosvie “Ros” Biticon y Tamola, 46; Arnel Biticon y Tamola, 54; Jay-R Mendoza y Avion, 18; Edwin Castillo y Briones, 32; Jonathan Bano y Buen, 27; Rose Marie Ramos y Enriquez, 35; at si Jerick Rubio y Pabiton, 24, ng Brgy. Timalan, Naic.

Base sa police report na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, nakumpiska sa mga suspek ang 11 plastic sachets na shabu (2.5 gramo) na may street value na P17K at P800 drug money.

Hindi naman pumalag ang mga suspek sa inilatag na anti-drug operation makaraang ang masusing surveillance ng mga operatiba ng pulisya at Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA 4A).

Isinailalim na sa drug test at medical examination ang mga suspek bago dalhin sa detention facility habang pina-chemical analy-sis naman ang nasamsam na shabu.                         MHAR BASCO

Comments are closed.