PINANGUNAHAN kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang send-off ceremony sa mga atleta na sasabak sa 18th Asian Games na aarangkada sa Agosto 18 hanggang Setyembre 2 sa Indonesia.
May kabuuang 272 atleta ang lalahok sa 35 sports events subalit nasa 70 lamang ang nakadalo sa seremonya dahil nauna na sa Indonesia ang iba para makapaghanda sa quadrennial meet, gaya ng Gilas na sasalang sa kanilang unang laro kontra Kazakhstan sa Huwebes, Agosto 16.
Sa kanyang talumpati ay sinabi ni Pangulong Duterte na hangad niyang makapag-uwi ang mga atletang Pinoy ng gintong medalya at kinilala nito ang sakripisyo na pinagdaanan ng mga manlalaro para katawanin ang Filipinas sa Asiad.
Ayon sa Pangulo, ang presensiya ng mga atleta sa send-off ceremony ay patunay ng kanilang pagnanais na makapagbigay ng karangalan sa bansa.
“All you got here is proof of your commitment and dedication to your respective sports and the sacrifices you went through just to become part of this national team. Your presence here is a testament to the indomitable Filipino spirit,” anang Pangulo.
“As I send off these men and women into the Asian Games, remember that you do not only compete for yourselves, but also carry with you the pride of your families, your community and the entire Filipino nation. I join the Filipino people in wishing you all the best as you hold the values of integrity, resilience and also sportsmanship in your pursuit of the gold,” dagdag pa niya.
Pinaalalahanan ni Dutetre ang mga atleta na ang bawat tagumpay na kanilang iniuuwi ay pinagsasaluhan ng sambayanan.
“We pray for your well-being and hope for your successful trip and also a safe return to the country. I wish you the best luck at mabuhay ang atletang Filipino,” anang Pangulo.
Dumalo rin sa send-off ceremony sina Chief of Mission Richard Gomez at Philippine Olympic Committee (POC) President Ricky Vargas na ipinagmalaki ang mga bumubuo sa Philippine delegation.
Ilan sa sport events na lalahukan ng mga Pinoy ay fencing, golf, jetski, karate, judo, gymnastics, sailing, wind surfing, shooting, sepak takraw, tennis, soft tennis, triathlon, weight lifting, basketball, skate boarding, swimming, boxing, track and field at marami pang iba.
Comments are closed.