MAGAANG PAGNENEGOSYO NAGPAPAUNLAD SA LGUs – DTI CHIEF

Trade Secretary Ramon Lopez-8

INIHAYAG ni Trade Secretary Ramon Lopez ang mga opisyal ng gobyernong lokal na ang “ease of improving ease of doing business” (EODB) sa kanilang siyudad at bayan ay makalilikha ng “virtuous cycle” na makaaa­kit ng pamumuhunan at trabaho sa kanilang lugar.

“Ease of doing business will attract investments that will lead to more business, jobs, and economic activities that will benefit your localities. These will lead to prosperity and urban development that will again attract more investments. It’s a virtuous cycle,” sabi ni Secretary Lopez.

Nagbigay ng mensahe ang trade chief sa harap ng  900 mga opis­yal mula sa local and national government units noong nakaraang Nob­yembre.  Ang  okasyon na nakapokus sa EODB sa local government units (LGUs) at pagbabago ng pakikipagkompetensiya ng bansa ay inorganisa ng Depart-ment of the Interior and Local Government (DILG) sa pakikipag-partner sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Information and Communications Technology (DICT).

Kasabay nito, nagsilbing lugar din para sa mga ahensiya ng gob­yerno para ibahagi ang kanilang best practices sa pagbabago ng EODB, na siyang mandato ng Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Deli­very of Government Services Act of 2018.

Pahayag ni Sec. Lopez na ipinagkakapuri niya ang magmensahe sa local government officials, dahil sila ang tinatawag na “people on the ground” na nagpapatupad ng EODB reforms. Binanggit din niya ang pagsisikap ng DTI  para i-digitize at ayusin ang business name registration process sa loob ng walong minuto. Pinuri rin niya ang pagsisikap ng  Valenzuela City, siyudad ng Maynila, Que­zon City, at Parañaque City, at hinimok niya ang lahat ng local governments na sumunod na rin.

Sa nakaraang paglulunsad ng Paspas Permit, ang Valenzuela City ang unang local government unit na magkaroon ng end-to-end integrated business permit application system. Ang online system processes permits sa loob ng 10 segundo matapos ang pagsusumite ng lahat ng forms.

Ang tatlong iba pang siyudad ay naglunsad din ng kani-kanilang proyekto ngayong taon.  Naglunsad ng Para­naque’s Project ELO 2.0 (Express Lane Ope­ration), isang 3-step business registration process noong Agosto, nag-release ng Mayor’s permit, kasama ang barangay clearance, sa loob ng dalawang oras.

Nagsagawa ang siyudad ng Maynila ng Business One-Stop Shop (BOSS) noong Hulyo na nagre-release ng Ma­yor’s permit sa loob ng isang ar-aw. Nagsagawa rin ang Quezon City, ang  pilot city para sa Filipinas sa World Bank Doing Business 2020 survey, ng BOSS system na kasama ang construction permits.

Pahayag ni DILG Secretary Eduardo Año na umaasa siya na ang LGUs ay magpapatuloy sa streamline and reengi­neer ng kanilang pro­seso. Pinuri rin niya ang EODB efforts ng San Fernando sa Pampanga, Parañaque City, Muntinlupa City at Cagayan de Oro City, na nagbahagi ng kanilang  best practi­ces sa nasabing okasyon.

Isiniwalat ni Secretary Gregorio Honasan na ang DICT ay nakikipag-ugnayan sa DTI at Anti-Red Tape Authority (ARTA) na gumawa ng Central Business Portal, ang end-to-end online portal para sa business registration, ganundin sa physical National Business One-Stop Shop na siyang magho-host  sa lahat ng mga opisina na may kaugnayan sa business registration sa isang lugar.

Nagbigay si ARTA Director-General Jere­miah Belgica ng pananaw sa RA 11032, kasama ang mahigpit ng multa sa mga lumalabag, at nagbahagi ng pagsisikap ng ARTA para tipunin ang ilang ahensiya para lalong mapagbuti ang mga transaksiyon sa gobyerno.

Isinaboses ng mga hepe at ni DG Belgica ang gaan ng paggawa ng negos­yo ang siyang prayoridad ni President Rodrigo Duterte, dahil gusto nito na pagaanin ang pagdurusa ng mga Filipino na gustong magsimula ng kanilang negosyo.

“Lagi pong binabanggit ng Presidente na ayaw niya ng may nahihirapan. Ayaw niya ng pumipila nang matagal ang ating mga kababa­yan. Ayaw niya ng may pinapabalik-balik,” sabi ni Secretary Lopez.