MAGANDA AT MAAYOS NA PANGANGATAWAN

PANGANGATAWAN

MARAMI sa atin ang natatakot na tumaba. May ilan kasing maparami lang ang kain, hindi na mapigil ang paglobo. May iba namang tao na hirap na hirap magpataba.  Kumakain na ng todo, hindi pa rin madagdagan ang timbang.

Kung tutuusin, suwerte ang mga taong kahit na sobrang lakas kumain ay hindi naman tumataba. Kasi nga, wala silang dapat na alalahanin kahit pa maparami ang pagkonsumo ng mga kinahihiligan nilang pagkain.

At dahil hindi nga naman puwedeng mawala iyong mga taong kumain lang ng kaunti ay lumulobo na o nadaragdagan na ang timbang, narito ang ilang mga paraan para mapanatili ang maganda at malusog na pangangatawan:

HUWAG PIPIGILAN ANG SARILING KUMAIN NG CARBS

PANGANGATAWANMarami sa atin ang halos ayaw kumain ng carbs lalo na kapag nagpapapayat o nagbabawas ng timbang. Madalas kasi nating iniisip na ang pagbabawas ng carbs ang siyang paraan upang maibsan o mabawasan ang ating timbang.

Ngunit ayon kay Celebrity Nutritionist Pooja Makhi­ya, importante ang carbs para ma-sustain ang weight loss. “If you’re not eating enough carbs you will not be able to sustain the weight loss and eat more to make up for the lack of calories.”

HUWAG GUGUTUMIN ANG SARILI

Kung may isa mang advice na para sa marami, ito ‘yun: ang huwag gugutumin ang sarili. Pagkakamali ito ng marami. Kadalasan pa nga ay ipinagpapaliban ang pagkain ng agahan para lang hindi ma­dagdagan ang timbang.

Kung nag-aasam kang mapanatili ang hugis ng iyong katawan o ma­panatili ang gan­da nito, don’t starve yourself at never skip breakfast, ever. Kasi kung gugutumin mo ang iyong sarili, sa susunod na meal hindi mo maiiwasang maparami ang kain mo para lang maramdaman mong sa­tisfied ka o busog ka. Mas nakatataba ito kumpara sa pagkain ng breakfast.

KAHILIGAN ANG MGA PRUTAS AT FIBER RICH FOOD

PANGANGATAWANPara mapanatili nga naman ang maayos, malusog at malakas na pangangatawan, importante ang pagkain ng tama. Napakahalaga ring binabantayan natin ang ating kinakain. Ika nga, sa pagkain nagsisimula ang lahat. Kung pabaya ka sa pagkain, malaki ang tiyansa ng pagdapo ng iba’t ibang klase ng sakit. Pero kung maingat ka naman sa mga kinakain mo, lalakas ang katawan mo at maiiwasan ang kahit na anong problema.

At ilan pa nga sa pagkaing kailangang kahiligan para mapanatili ang maayos at malusog na pangangatawan ay ang pagkahilig sa prutas at mga fiber rich food. Maraming health benefits ang prutas. Natutulungan din ng ilang prutas gaya ng mansanas at pears na mapanatili ang magandang hugis ng katawan.

Ang mga fiber rich food naman ay mainam para mapanatiling busog at satisfied ang pakiramdam. Ilan sa mga gulay at pagkaing mataas sa fiber ay ang broccoli at oats. Mataas din ang taglay na antioxidants ng broccoli.

Samantalang bukod naman sa fiber, mataas din ang complex carbohydrates na nakatutulong para maiwasan ang maya’t mayang pagkagutom.

MAGING AKTIBO SA ARAW-ARAW

Siyempre, isa pa sa kailangang kahiligan kung nais mong ma-maintain ang iyong pangangatawan ay ang regular na pag-eehersisyo. Kumbaga, hindi sapat ang pagkain lang para  sa maganda at malusog na pangangatawan. Kailangang balanse. Ibig sabihin, importante rin ang pag-eehersisyo upang makamit o mapanatili ang malusog at maaayos na pangangatawan.

MAGPAHINGA…MAGPAHINGA…MAGPAHINGA

Higit sa lahat, matutong magpahinga. Oo, busy ang marami sa atin. Oo, kaila­ngang kumayod ng todoPANGANGATAWAN para lang kumita at matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan. Pero importante rin ang pagpapahinga.

Isa sa nakadaragdag ng timbang ang pagpupuyat o ang kawalan ng pahinga. Kung kulang ka sa tulog, tataas ang level ng iyong “hunger hormone”. Ang hunger hormone na ito ang magpapataas ng iyong appetite na magiging dahilan naman ng pagtaba.

Kaya para mapanatili ang pangangatawan, magpahinga. Sa totoo lang, napakaraming paraan para maging malusog at mapanatiling malakas ang pangangatawan. Maging maingat lang tayo at huwag magpapabaya sa sarili. CHE SARIGUMBA

Comments are closed.