MAGANDANG BALAT

MAGANDANG BALAT

(Ni: CT SARIGUMBA)

MAHIRAP balewalain ang balat ngayong summer. Sa init nga naman ng panahon, siguradong kapag hindi natin ito iningatan ay magiging dry ito at papangit. Marami pa naman sa atin ang masyadong con-scious sa balat gayundin sa katawan. Minsan nga, sa sobrang conscious ng marami sa atin ay hindi na malaman kung ano ang gagawin sa katawan at balat mapanatili lang ang ganda nito.

Kung tutuusin ay napakarami nga namang paraan upang mapanatili nating glowing at young ang ating skin. Ngunit ang ilang pa-ra­an ay may kamahalan at hindi kaya ng ilang simpleng mamamayan o iyong mga taong walang gaanong budget sa pagpapaganda.

Gayunpaman, hindi natin kailangang malungkot dahil maraming natural na paraan ang maaari nating gawin upang mapanatiling maganda ang skin at glowing ngayong summer.

Narito ang ilan sa mga pagkaing puwedeng isama sa diyeta:

GREEN TEA PARA MAIWASAN ANG DARK CIRCLES

Isa ang dark circles sa kinaiinisan ng ma­rami. Kaya naman lahat ng paraan ay ginagawa upang mai-wasan ito.

Pero hindi lamang cream at kung ano-ano pang produktong pampaganda ang maaaring gamitin upang maibsan o maiwasana ng kinaiinisang dark circles. May mga pagkain ding maaaring kahiligan gaya na lang ng green tea.

Kaya upang maiwasan ang kinaiinisang dark circles, isama na sa diyeta ang green tea. Bukod din sa green tea, makatutulong din ang blackberries at blueberries.

SWEET POTATOES PARA SA DRY SKIN

Kapag mainit ang panahon ay hindi talaga maiiwasan ang dry skin. Isa rin sa dahilan kaya’t dry ang skin ng isang tao ay dahil sa kakulangan nito sa Vitamin A.

Isa rin sa pagkaing maaaring subukan nang maiwasan ang dry skin ay ang sweet potato.

ORANGES PARA MAGING LOOKING YOUNG ANG SKIN

Kung minsan, dahil na rin sa samu’t saring problemang kinahaharap ng marami sa atin samahan pa ng polusyon sa paligid at matinding sikat ng araw, talagang papangit ang ating balat.

At para maibalik ang young looking skin, isama sa kinahihiligang pagkain ang oranges. Mainam sa balat ang oranghes at iba pang citrus fruits gaya ng lemons, limes at grapefruits dahil ang taglay nitong amino acid at Vitamin C ay malaki ang role sa collagen production na nagi­ging dahilan para mapanatiling ma-ganda ang balat.

WATERMELON PARA SA UV PROTECTION

Kung mayroon ding prutas na hindi nawawala o laging kasama sa kinahihiligang pagkain kapag summer, iyan ang watermelon.

Madaling bilhin at swak sa bulsa ang nasabing prutas. Masarap din ito at higit sa lahat, matubig kaya’t swak na swak ito sa mainit na panahon.

Bukod pa sa nakare-refresh ang pagkain ng watermelon, mainam din ito sa balat para maprotektahan laban sa sikat ng araw.

Gaya rin ng kamatis ay mataas din ang taglay nitong lycopene na siyang lumalaban sa free radicals na nauuwi sa sunburn at wrinkles.

Kaya ngayong summer, bukod sa paggamit ng sunscreen ay huwag na huwag kaliligtaan ang pagkain ng watermelon.

GARLIC PARA MAIWASAN ANG SKIN CANCER

Marami sa atin ang hindi gaanong napapansin ang garlic. Ngunit alam ba ninyong ang garlic ay mata-tawag na beauty food dahil sa rami ng benepisyong naidudulot nito sa ating katawan?

Antioxidant, anti-cancer, anti-inflammatory, anti-viral at anti-bacterial ang garlic kaya napakainam ni-tong isama sa diyeta.

Bukod pa sa mga nabanggit ay nakatutulong din ito upang magamot ang acne at higit sa lahat, mai-wasan ang skin cancer.

Hindi mahal ang magpaganda. Dahil sa kusina lang, may mga natural na paraan upang gumanda ang ating balat. (google images)

Comments are closed.