“LAPIT, mga kaibigan at makinig kayo Ako’y may dala-dalang balita galing sa bayan ko. Nais kong ipamahagi ang mga kuwento at mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako,”
Bahagi ito ng lirika sa awiting ‘Balita’ ng Pinoy rock band na ‘Asin’ na sumikat noong dekada 70. Inilalarawan sa awitin ang hindi matawarang kaguluhan na likha ng hindi magkasundong prinsipyo at adhikain na matagal nang suliranin partikular sa lalawigan ng Mindanao.
Malalim ang pinagmulan. Walang katiyakan. At sa mga panahong lumipas, ang mamamayan at ang lalawigan ang naiipit at nagdurusa. Mistulang pipit na sisinghap-singhap para makalaban sa buhay. Nakakapanindig balahibo ang mga balita ng nakaraan na lumikha ng takot sa mamamayan dahilan para alisin sa ‘bucket list’ ng mga destinasyon na bakasyunan ang mga bayan sa Katimugan.
Negatibong balita. Karahasan. Pangamba. Takot.
Andiyan ang masaklap na insidente ng ‘SAP 44’. Terrorist bombing sa Davao. Zamboanga siege at ang hindi malilimutang ‘Marawi crisis’ na literal na sumira sa dating napakadalisay na lungsod.
Kung baga sa boxing, TKO ang Mindanao sa negatibong balita. Bugbog-sarado. Lupasay. Nasa kangkugan. Makababawi pa ba ang Mindanao? Makababangon? Bakit hindi! Marami ang nagtutulong-tulong para maibangon ang dangal ng Mindanao. Ngayon, ano na Mindanao?. May magandang balita, likha ng mga mismong binhi na itinanim sa ‘Lupang Pangako’
Sa gitna ng dagdag alalahanin dulot ng pandemya, isang ‘malakas’ na dalaga mula sa Zamboanga ang bumuhat para sa dangal ng bayan. Isang makisig na Pinay na ipinanganak sa munting kabahayan sa Davao del Sur ang dumugtong sa pagbubunyi ng mga lahing kayumanggi at sa huli, kamao ng isang palabang Zamboangeno ang nagpatibay sa haligi ng Pilipinas bilang isang bansang may dangal at palaban
Bago matapos ang Tokyo Olympics, may ginto o silver pang maiaambag si flyweight fighter Carlo Paalam — isa pang Mindanaoan mula sa Cagayan de Oro – sa medalyang isasabit nina weightlifter Hidilyn Diaz, boxers Nesthy Petecio at Eumir Marcial sa leeg ng ‘Inang Bayan’.
Tunay na magandang balita para sa bayan, higit sa Katimugan.
Ang tagumpay na kampanya ng atletang Pinoy ay patunay na hindi lugmok ang Mindanao. Kung gaano kayaman ang mga karagatan at anyong katubigan nito, gayundin ang kayumihan ng mga bukirin at kabundukan, ganoon din kalalim at kadalisay ang intensiyon, puso at talento ng mga batang Mindanao.
Ipinakita nila na hindi hadlang ang kahirapan para maiangat ang sarili sa pedestal ng tagumpay. Tila napagod na ang Mindanao sa masamang balita. Kung wala pang puwang ang pagkakaisa para sa ideolohiya, kultura at relihiyon, bigyang-daan muna ang pagbibigkis para sa kapayapaan at ipagbunyi ang tagumpay ng atletang Mindanaoan.
Magandang balita, Mindanao!
909687 908261Housing a different movement in a genuine case or re-dialed model. 947275
479690 111936Deference to op , some superb entropy. 609314
588030 83156I see something truly interesting about your internet internet site so I saved to bookmarks . 738973
661256 447024Some truly good stuff on this site, I adore it. 271577