MAY mga guro tayong nagnanais na makapag-masters o PhD ngunit walang sapat na pondo para tustusan ang kanilang pag-aaral. Hindi sumasapat ang sweldo para sa pangangailangan at pag-aaral, kaya’t nabibinbin ang planong magpatuloy sa graduate studies.
Nais tugunan ng Commission on Higher Education (CHED) ang problemang ito kaya naghahain ang ahensya ngayon ng isang scholarship program para sa mga guro at mga non-teaching personnel na nagtatrabaho sa mga HEIs (higher education institutions) na accredited ng CHED.
Bukas ang aplikasyon para sa Scholarships for Instructors’ and Staff Knowledge Advancement Program (SIKAP) hanggang sa katapusan ng buwan (Agosto 2021). Bukas din umano ito para sa mga dati nang empleyado ng mga HEIs na nabanggit sa itaas. Maaaring bisitahin ang website na ito para sa inyong aplikasyon.
Ang mga maaaprubahang beneficiary ay makakatanggap ng P30,000 na monthly living allowance (masters degree) o P43,000 (doctorate). Mayroon din umanong thesis o dissertation allowance, bukod pa sa pagsagot ng ahensya sa kabuuang tuition fee at iba pang fees ng mga iskolar.
Bukod pa sa makatulong sa mga iskolar, layunin din ng SIKAP na iangat ang kakayahan at kaalaman ng ating mga teaching at non-teaching personnel para naman kaya nilang makipagsabayan sa mga education professionals mula sa ibang bansa sa Asia. Magugunitang mababa ang ranking ng mga unibersidad dito sa atin sa Quacquarelli Symonds World University Rankings noong 2020 sa “research indicator (citations per faculty)”.
Kung aabante ang kakayahan ng ating mga propesyunal sa larangan ng edukasyon, aabante rin ang sektor at mga mag-aaral, at syempre, kasama na rin ang bansa at ekonomiya.
943332 877600Your writing style has been surprised me. Thank you, very great post. 87140
617804 110895Very usefull weblog. i will follow this weblog. keep up the excellent function. 240838
968791 14398Quite good written article. It will likely be helpful to anybody who usess it, including myself. Keep up the excellent work – canr wait to read more posts. 557187