HINDI nakapaglaro si Mike Miranda kagabi sa laro ng NLEX Road Warriors laban sa Meralco Bolts dahil pinatawan siya ni PBA Commissioner Willie Marcial ng one-game suspension at P20,000 multa kaugnay sa nangyaring gulo sa kanila ni import Eugene Phelps ng Phoenix Fuel Masters.
Anim na minuto lang nakapaglaro si Miranda sa naturang game na napagwagian ng Fuel Masters, 123-97. May 4-4 kartada ang mga bataan ni coach Yeng Guiao. Kung mananalo sila sa Meralco ay magandang sitwasyon ito sa Road Warriors. Habang ang Bolts, kung sakali, ay bababa sa 1-9.
oOo
Ibang-iba nang maglaro si Aljon Mariano ng Barangay Ginebra. Ibig sabihin lang ay naka-move on na siya sa nangyari noong UST days pa na panahon ni coach Pido Jarencio nang matalo sila sa championship game kontra De La Salle Green Archers. Nabibigyan ng break ngayon si Mariano ni coach Tim Cone dahil injured si Joe de Vance. And blessing for Aljun dahil lagi siyang handa everytime na pinapasok siya ni coach Cone, gumagawa at nagpapakilala ito sa hardcourt.
Ayon kay Mariano, ‘yun ang pinakamasakit na nangyari sa kanya. Pero hindi niya magagawa ‘yun dahil mahal niya ang basketball at wala sa kalibre niya ang bentang laro. Mabait na tao itong si Aljun, matapang sa court. Marami pa siyang patutunayan kaya naman tiwala sa kanya si coach Tim.
oOo
Nanalo rin sa wakas ang Rain or Shine Elasto Painters sa out of town game nila ng Ginebra, 104-97, sa Quezon Convention Center sa Lucena City. Si import Terrence Watson ang humataw nang husto sa Elasto Painters sa pagkamada ng 29 points, 16 rebounds at 6 assists. Ang RoS ay may 1-4 marka, habang ang Gin Kings ay may 7-2.
oOo
Umaariba ngayon ang UST Growling Tigers na tinalo ang FEU Tamaraws kahapon, 78-70, sa pagpapatuloy ng UAAP 81 season men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena. Kung noong opening ay hindi naging maganda ang laro ng team ni coach Aldin Ayo, ngayon naman ay bumabawi ang Growling Tigers na may tatlong sunod na panalo. Maganda ang ipinakikita ni Renzo Subido, na balik-Uste. Umalis ito noong si coach Boy Sablan ang head coach ng UST, pero nang umalis si coach Sablan ay bumalik ito.
Comments are closed.