MAGANDANG PERFORMANCE NG KONGRESO DAHIL KAY SPEAKER ROMUALDEZ

SI  Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang itinuturong nasa likod ng magandang performance ng Kamara de Representantes sa Unang Regular na Sesyon ng 19th Congress ayon sa mga kongresista mula sa iba’t ibang partido sa ilalim ng super majority.

Ayon kay Cavite Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga Jr. ang hindi pagpatol ni Romualdez sa mga pasaring pulitikal at personal itinuon lamang daw ang kanyang atensiyon sa mga gawain para sa ikabubuti ng mga Pilipino.

“The Speaker held his horses and remained focused on his job as the leader of the House of Representatives amid this political rift. He never fired back with insults of his own. That shows strength of character,” ani Barzaga, isang stalwart ng National Unity Party (NUP).

Hinamon naman ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez, stalwart ng NUP, ang lahat na samahan si Pangulong Ferdinand “Bongnong” Romualdez Marcos Jr. sa kampanya nitong pagkakaisa noong nakaraang halalan para sa ikabubuti ng bansa.

Kumpiyansa sina Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, pangulo ng Party-list Coalition Foundation Inc. (PCFI); Surigao del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel,
PDP-Laban Deputy Secretary General; Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, NUP President; House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Executive Vice President ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD); Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., stalwart ng PDP-Laban; Camiguin Rep. Jurdin Jesus “JJ” Romualdo, stalwart ng Lakas-CMD; Quezon Rep. Mark Enverga, stalwart ng Nationalist People’s Coalition (NPC); Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, stalwart ng Nacionalista Party (NP); Davao de Oro 1st District Rep. Maria Carmen S. Zamora, kasapi ng Lakas-CMD, at Davao Oriental 2nd District Rep. Cheeno Miguel D. Almario, kasapi ng Lakas-CMD, na magpapatuloy ang magandang performance ng Kamara dahil sa magandang pamumuno ni Speaker Romualdez at magandang samahan ng Kamara de Representantes at Malacañang.

“The House members who are true to this cause won’t let any political noise derail the remarkable synergy that the legislature and executive currently have,” dagdag pa ni Cong. Co, na siya ring Chairman ng House Appropriations Committee.

Ayon naman kay Majority Floor Leader Dalipe hindi magpapa-abala ang Kamara de Representantes sa ingay ng pamumulitika at gagawin na lamang ang mandato nila at ipapasa ang mga panukala na kailangang-kailangan ng administrasyong Marcos.

“One thing is clear: Speaker Martin has created an atmosphere of certainty and trust. His strong, compassionate leadership brought all of us together to work on a single vision: to pass measures focused on achieving a prosperous, inclusive and resilient Philippines,” sabi ni Rep. Gonzales.

“The only politics Speaker Romualdez engages in is the politics of completion, the accomplishment of the legislative goals the Marcos administration set, which he excellently executes by faithfully fulfilling his mandate both as an ordinary lawmaker and as a great leader of the House of Representatives,” ayon naman kay Cong. Romualdo.

Samantala Itinuturing naman nina Rep. Zamora at Rep. Almario na action man si Romualdez.

Ayon sa dalawang mambabatas hindi nag-aatubiling tumulong ni Speaker Romualdez para matugunan ang pangangailangan ng kanilang constituents.