MAGAT DAM MULING NAGPAKAWALA NG TUBIG

magat dam

MULING nagpakawala ng tubig mula sa Magat Reservior ang National Irrigation Administration bunsod ng mga nararanasang pag-ulan sa buong bansa dala ng tatlong weather system na nakakaapekto sa panahon.

Sa Hilagang Luzon nararanasan ngayon ang epekto ng Northeast Monsoon (AMIHAN) at Tail End of a Frontal System (cold front) na nagdudulot ng mga pag-ulan .

Habang sa Visayas at Mindanao, patuloy ang mga malalakas na pag-ulan na naging sanhi ng mga pagbaha, landslides na kumitil ng dala-wa katao.

Nauna nang nagpalabas ng “ Notice on Dam  Discharge Warning Operation “ ang  NIA na may lagda ni Magat FFWHU Dam Office flood operation manager Eng. Carlo Ablan bago nagpakawala ng tubig kahapon na mula sa 200 cubic meter/second at maaari pang madagdagan depende sa lakas ng ulan sa Magat watershed.

Dahil dito, pinayuhan ang  mga mamamayan na iwasan ang pagtawid o pamamalagi sa tabi ng ilog dulot ng panganib na dala nito.

Pinapayuhan din ang mga mamamayan na dalhin ang mga alagang hayup sa mga ligtas na lugar at huwag itali sa gilid ng mga ilog.

Ayon sa Magat River Integrated Irrigation System Dam and Reservoir Division ay nagpakawala ng tubig Sabado ng umaga bilang paghahanda sa posibleng malalakas na pag-ulan dala ng Amihan.

“Pre-release – Reservoir elevation needs to be lowered in anticipation of the expected heavy inflow due to surge of N.E. Monsoon,” ani  Ablan.

Samantala, lumikha na mga pagbaha at landslide sanhi ng walang tigil na pag-ulan sa Visayas at Mindanao region dulot ng Tropical Depression Vicky na nag-iwan ng dalawang patay sa bayan ng Mahaplag, Leyte.

Habang kulang sa 100 kabahayan ang naitalang nawasak ng bagyo , dala ng mga pagbaha sa Agusan del Sur, Lapu Lapu City at landslide sa bayan ng Monkayo sa  Davao de Oro.

Gayundin, tinatayang 76 na mga bahay sa tabi ng dalampasigan sa Ibo, Lapu-Lapu City ang nawasak sa paghampas ng malakas na alon bunsod ng pananalasa ng bagyong Vicky nitong Biyernes ng gabi. VERLIN RUIZ

Comments are closed.