ISANG gate ng Magat Dam sa Isabela ang binuksan at nagpakawala ng isang metrong tubig, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ala-6 ng umaga nang itaas ang gate ng dam kaya asahan ang pagtaas ng mga ilog sa lugar na sakop ng Isabela at Ifugao.
Nabatid na dahil sa pag-ulan, tumaas ng 0.17 meter kaya pumalo sa 191.06 metes ang reservoir water level na mas mataas sa average na 190.89 RWL nitong Biyernes.
Upang iwasan ang pag-apaw na maaaring magdulot ng sakuna ay nagbawas na lamang ng tubig.
Ayon sa PAGASA, dapat ingatan na maraming ang spilling level o normal high water level (NHWL) na 193 meters.