MAGAT DAM NAGPAKAWALA NG TUBIG

CAGAYAN – MULING nagpapakawala ng tubig ang Magat Dam sa Isabela nitong Martes kasunod ng inilabas na dam discharge warning operation.

Ayon sa NIA-MARIIS, nagbukas ng isang metro ang isang gate ng Magat Dam bandang alas-2 ng hapon.

Paliwanag naman ng NIA-MARIIS, ang pagbubukas na ito ay para pababain ang lebel ng tubig sa Magat Reservoir dahil sa posibleng dami ng inflow dulot ng Shearline.

Pinag-iingat ang mga residente sa banta ng pagbaha lalo sa mga nakatira malapit sa ilog.

Sa pinakahuling tala ng PAGASA Hydromet, umabot na sa 187.78 meters ang lebel ng tubig sa Magat dam.

P ANTOLIN