MAGAYON FESTIVAL, PAGDIRIWANG NG KAGANDAHAN

Ni Kaye Nebre Martin

GINAGANAP  tuwing buwan ng Mayo taon-taon, ang Magayon Festival ay pagdiriwang para sa popular na kwento sa Mayon Volcano, upang parangalan ang kagandahan ng probinsya ng Albay.

Isa sa tampok ng pagdiriwang ay ang stage reenactment ng trahedya bf pag-ibig ni Daragang Magayon at Panganoron na ang kamatayan ay sia namang naging simula ng pag-angat ng bulkan.

Kinuha ang pangalan ng festival sa salitang Bukolano na magayon, na ang ibig sabihin ay “magansa.” Kasabay na rin iro ng pagdiriwang para sa kapistahan ng Nuestra Señora de la Porteria, patron ng Daraga, Albay. Kung tutuusin, ang selebrasyong ito ay pinagsama-samang legendary, historical at religious na naglalayong ipakita ang kultura at pamumuhay ng mga tao sa Daraga.

Kasama sa event ang trade fair ng produktong lokal, mga lutong Bikolano, musical concerts, sport tournaments, art and cultural pageant, fashion shows at iba pang special activities, ngunit ang pinakatampok sa lahat ay ang Legend Showdown street dancing tilt at ang musical play sa Daragang Magayon.