MagBeerPagRain KAMPEON SA JAPA CUP

NASIKWAT ng MagBeerPagRain, isang selection ng mga coach, medical at iba pang  support staff ng San Miguel Beer, Magnolia at Rain or Shine sa PBA, ang korona sa binuhay na PBA Press Corps Raffy Japa Cup basketball tournament makaraang pataubin ang Ginebra Boys, 80-68, nitong Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.

Nanguna si Tournament Most Valuable Player Aldo Panlilio, isang strength at conditioning coach ng Beermen, para sa MagBeerPagRain na may 19 points, 19 rebounds, 2 assists at 2 steals, subalit si John Tabasin na naitala ang 12 sa kanyang 17 points sa opening period, ang tumulong sa kanyang koponan na kumarera sa 23-4 lead sa pagtatapos ng unang 10 minuto ng laro at hindi na lumingon pa.

Nag-ambag si big man Ethan Casares, isang physical therapist ng Elasto Painters, ng 20 markers, 13 boards, 2 steals at 2 shotblocks para sa MagBeerPagRain na umabante ng hanggang 25 sa fourth quarter ng final game ng torneo na itinataguyod ng Burlington, The Socks Authority, at suportado rin ng Rain or Shine, LGR, Gatorade, Philippine Sports Commission at PBA.

Ang Ginebra Boys ni head coach Rey Baron ay pinangunahan ng tig-9 points nina  Richard Marcos, Aaron Ang at JayR Baron.

Sa unang laro, humabol ang TerraPort, sa pangunguna ni Sydney Talabis na may 26 points, 16 rebounds, 3 assists at 3  steals upang gapiin ang MVP Sports Foundation, 77-63, at kunin ang third place.

Ipinagkaloob ni Burlington marketing associate Kim Magbujos, kasama sina PBA Press Corps President Vladi Eduarte ng Abante Tonite, Japa Cup Commissioner & PBA head of statisticis Fidel Mangonon III at Deputy Commissioner Jonas Terrado ng Inquirer Sports ang mga medalya sa kampeon, runners-up, second runners-up at top individual performers sa isang simpleng seremonya matapos ang laro, kasama ang mga miyembro ng PBAPC.

Kasama ni Panlilio sa Mythical FIve ng torneo sina Casares, Marcos, Talabis at  tournament leading scorer Allan Apura ng MVPSF.

Iskor:

Unang laro

TerraPort (77) — Talabis 26, Caliwag 16, Clerigo 15, Uy 7, Avenido 6, Tiamzon 5, Haig 2, Tagana 0.

MVPSF (63) — Apura 38, Santiago 15, Bartolome 6, Eslera 2, Arguelles 2, Sunga 0, Zabala 0.

QS: 13-19; 35-35; 62-50; 77-63.

Ikalawang laro

MagBeerPagRain (80) — Casares 20, Panlilio 19, Tabasin 17, G. Bacason 9, Lajada 3, Vivo 3, E. Bacason 3, Malihan 2, Cortez 2, Conejos 2, Salvador 0, Mendoza 0, Rosales 0, Montemayor 0.

Ginebra Boys (68) — Marcos 9, Baron 9, Ang 9, Kang 8, Del Rosario 7, Mendoza 7, Partosa 7, Atienza 6, Hugo 4, Trillana 2, Calilan 0.

QS: 23-4; 44-25; 61-39; 80-68.