MAY payo si Presidential spokesperson Harry Roque sa publiko lalo na iyong may parehong kasarian na palaging magbitbit ng condom para makaiwas na mahawahan ng sakit na human immunodeficiency virus (HIV) at acquired immunodeficiency syndrome (AIDS) na nakukuha sa pakikipagtalik.
Naniniwala si Roque na safe sex pa rin ang pinakamainam para makaiwas sa nasabing sakit.
Nakabinbin na sa Senado ang panukalang AIDS Policy Act Bill o Philippine HIV and AIDS Policy Act.
Panukala ito ni Sec. Roque noong siya ay kongresista pa. Nakapaloob dito ang pagpapatibay ng malakas na prevention drive sa nasabing sakit.
“Iyan po ay naipasa na po bago po ako umalis ng Kongreso. So isa po itong panukalang batas na nakabinbin sa Senado.” Nakasaad sa panukala ang pagbabawal na ikalat ang mga personalidad ng may AIDS o ang kanilang pagkakakilanlan para hindi sila mailagay sa kahihiyan.
Binigyang diin ni Roque na nakababahala na ang statistics kung saan 1,000 kada buwan ang naitatalang may HIV at AIDS.
Sinasabing natalo na ng Filipinas ngayon ang Africa sa rami ng nagkakaroon ng AIDS. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.