BULACAN – KULONG ang magbiyenan na kapwa nasa drug watchlist makaraang maaresto ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Plaridel police sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay San Jose, Plaridel ng lalawigang ito noong Miyerkules ng gabi.
Base sa ulat ni P/Major Wendel T. Arinas, chief of police ng Plaridel na naisumite kay P/Col. Lawrence B. Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nakilala ang mga suspek na sina alias Pogi at manugang na si Clarissa na kapwa residente sa bayan ng Norzagaray.
Nabatid na may ilang linggong isinailalim sa surveillance ang magbiyenan bago isalang sa buy-bust operation kung saan nasamsam sa mga suspek ang ilang gramo na shabu, marked money at multicab na gamit sa drug trade ng mga suspek.
Isinailalim na sa drug test at physical examination ang mga suspek habang pina- chemical analysis naman ang shabu na nasamsam na gagamitin sa isasampang kasong kriminal sa Provincial Prosecutor Office. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.