MAGBUBUKAS NG MARAMING PAGKAKATAON ANG NETWORKING SKILLS

rene resurrection

MAKADALAWANG beses akong gumawa ng programa para sa isang NGO na nakabase sa Baguio City; iyan ang Rangtay sa Pagrang-ay, na ang ibig sabihin pala sa Wikang Filipino ay ‘Tulay sa Pag-unlad’.  Iyan ang ibig sabihin ng networking skills.  Networking ay parang pagiging tulay.

Kung ikaw ay nag-iisa at mayroon kang malakas na ‘political will’,  maaari ka ring umunlad.  May kasabihan na “The surest way not to fail is to de-termine to succeed” (Sheridan).   Walang makahahadlang sa taong buong-buo ang kalooban.  Sa buhay na ito, kaila­ngan ng determinasyon para mag-tagumpay at yumaman.

Subalit kung gusto mong dumali ang iyong pag-unlad, kailangan ay magaling kang makiugnay sa maraming tao.  Ang tawag diyan ay networking skills.  Networking ay ang pakikidugtong o pakiki-connect mo sa maraming influential na tao.  Marahil ang kaibigan mo ay hindi bibili sa iyo; subalit tiyak na may mga kakilala siyang maaaring bumili sa iyo.  Maaaring hindi mo kailangan ang produktong ibinebenta ng kaibigan mo, subalit tiyak na mayroon kang mga kakilala na nanga­ngailangan ng produktong iyon. Kaya kasama sa networ­king ay iyong idinudugtong mo ang isang tao sa isa pang tao. Kaya ikaw ay nagiging parang tulay sa kanilang dalawa.  Nagiging daan ka ng pagyaman ng iyong mga kaibigan; at magkakaroon sila ng pasasala-mat o utang na loob sa iyo dahil sa iyong pagtulong.

Nagiging isa kang daluyan ng pagpapala.  Balang araw, kapag ikaw naman ang nangailangan,  iyang mga taong tinulungan mo ay maaaring ma-katulong sa iyo o kaya ay iko-connect ka nila sa mga taong makatutulong sa iyo. Ganyan lang talaga sa buhay; dapat tayo ay nagtutulungan. Kung tulong-tulong, mas mabilis ang pagsulong.

Dapat ay maging palasali tayo sa mga professional group o professional association. May association para sa bawat profession.  May association ng mga doctor, association ng mga abogado, association ng mga dentista, association ng mga CPA, association ng mga architects, atbp.  Ano man ang tra-baho mo, humanap ka ng association ng mga eksperto sa iyong lara­ngan.  Magagamit mo ito para magkaroon ka ng maraming contacts, suppliers, cus-tomers o networkers.

Noong nagtatrabaho pa ako sa Makati, ang kompanya ko ay bahagi ng drug industry. Kaya naging aktibo ako sa Drug Industry Group (DIG).  Da-hil ang trabaho ko ay tungkol sa Human Resources Development, sumali rin ako sa People Management Association of the Philippines (PMAP).  Dahil isa akong trainer, sumali rin ako sa Philippine Society for Training and Development (PSTD).  Sumali rin ako sa maraming Toastmasters Club. Ganoon lang ang dapat ninyong gawin. Sali lang nang sali. Kompanya ninyo naman ang magbabayad ng membership fee.  Investment ito ng kompanya sa inyo dahil marami kang matututunan, huhusay kayo sa inyong trabaho, at makikinabang nang malaki ang kompanya ninyo.

Halimbawa, dahil sa aking pakikipag-networking, naimbitahan ako ng Philippine General Hospital (PGH) na mag-conduct ng libreng ­programa para sa kanilang mga empleyado. Nang malaman ng kompanya ko na inimbitahan ako ng ospital na ito, sinabi ng aking German boss, “Rex, tanggapin mo iyang invitation na iyan. Matagal nang nililigawan ng ating kompanya ang PGH para maging kliyente.”  Kaya tinanggap ko.  Kahit walang bayad, OK lang sa akin, dahil naging daan naman iyon para maging kliyente ng aking kompanya ang dakilang ospital na iyon.  Tuwang-tuwa ang mga boss ko sa akin.  Sa networking mo, dapat ay ibebenta mo ang kompanya mo. Dapat matuto ka nang marami roon. Aral ka lang nang aral doon. Humanap ka rin ng coaching mula sa mga eksperto.  Itanong mo sa kanila, “Puwede po bang magpa-coaching sa inyo? Puwede po bang magpa-mentor sa inyo?” ‘Pag ginawa mo ito, dadami ang iyong kaalaman at magiging eksperto ka rin.

Sa pamamagitan ng networking, bukod sa naibebenta mo nang mabuti ang kompanya mo, oportunidad din iyon para makakilala ka ng mga influen-tial na tao sa ibang kompanya o industry.  Maaaring maimbitahan ka at doon ang susunod mong pagtatrabahuhan.  Gawin mo ito at ikaw ay magi­ging isang hasang-hasang professional na empleyado.

Tandaan: Sa kaka­singko-singko, nakakapiso; sa kakapiso-piso, nakaka-isang libo.

Comments are closed.