MAGDALENA MISSION: KABABAIHANG JOBLESS DAHIL SA PANDEMYA

BILANG bahagi ng kanilang adbokasya na ma­tulungan ang mga ka­babaihang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, pinagtuunan ng Magdalena Mission: Alagang Ate Outreach Program ang mga dating worker sa maliliit na bar at night club.

Sa pananaliksik ng PILIPINO Mirror, magdadalawang taon nang na­mamaluktot sa kumot o nagtitiis kung ano lang ang makain ng mga dating manggagawa sa mga bar at club bunsod ng pandem­yang dulot ng COVID-19.

Ang mga dating bar employee gaya ng mga waitress, kahera, usherette, dishwasher ang nakinabang sa MAGDALENA MISSION: Alagang Ate Outreach Program kung saan binisita sila ng mga Ka Magdalena Ates na pinangunahan ni Police Col. Emma M. Libunao, Assist. PNP-Public Information Office, Ms. Esther Margaux “Mocha” J. Uson, ASEC, PCOO; Ms. Michelle Gumabao, KKDAT Ambassadres, Ms. Marinel Lopina at Lt. Ruthie Q. Daraman, Focal Person, Magdalena Mission/PCADG.

Isa rin sa namuno sa misyon at tumulong sa aktibidad ang kabiyak ni PNP-Directorate for Ope­rations, Maj. Rhodel Sermonia na si Ate Cherrie Pie Sermonia.

Nitong Setyembre 24 ay tinungo ng Magdalena Mission: Alagang Ate Outreach Program katuwang ang Police Community Affairs and Deve­lopment Group (PCADG)/PNP Elite Fitness Team ng RPCADU NCR at ng Parañaque City Police Station ang Sta. Rita Church Compound, Brgy. Bacla­ran, Parañaque City upang hatiran ng tulong ang mga kababaihang manggagawa.

Kabilang sa natanggap ng mga Magdalena ang Food Packs na hinugot ng PCADG sa kanilang Food Bank.

“Lubos po ang kagalakan ng ating mga Magdalenas sa munting tulong na hatid ng Magdalena Mission Ates sa kanila,” ayon sa statement ng PNP. EUNICE CELARIO

4 thoughts on “MAGDALENA MISSION: KABABAIHANG JOBLESS DAHIL SA PANDEMYA”

  1. 353281 120935Trop excitant de mater des femmes lesbiennes en train de se doigter la chatte pour se faire jouir. En plus sur cette bonne petite vid o porno hard de lesb X les deux jeunes lesbienne sont trop excitantes et super sexy. Des pures beaut de la nature avec des courbes parfaites, les filles c est quand v 670081

  2. 586919 799964I basically need to tell you that you have written an superb and special article that I really enjoyed reading. Im fascinated by how well you laid out your material and presented your views. Thank you. 197722

Leave a Reply

Your email address will not be published.