ISINUSULONG ni Senadora Nancy Binay ang pagkakaloob ng tax incentives sa mga employ Pinas wagi ng 6 pang ginto er na magha-hire ng alternative learning system learners at graduates.
Ayon kay Binay, ang inihain niyang Senate Bill 345 o ang proposed Alternative Learning System Learners and Graduates Incentives Act ay naglalayong makahikayat ng mas malawak na partisipasyon sa Alternative Learning System.
Ang ALS ay isang parallel learning system na nagkakaloob ng practical option sa umiiral na formal instruction.
“As a flexible, free education program of the government, ALS will benefit many who cannot afford formal schooling, including those whose adult life responsibilities have given them tighter schedules and opportunities for education,” sabi ni Binay.
Sa ilalim ng panukala, ang mga employer na papayagan ang kanilang mga empleyado na lumahok sa ALS system o mag-hire at mag-empleyo ng ALS learners at graduates ay bibigyan ng deduction sa computation ng taxable income na katumbas ng 10 percent ng ALS learners at graduates gross salaries.
-LIZA SORIANO