MAGHIGPIT NG SINTURON (Panawagan ng DoF sa publiko)

PAGTITIPID.

Ito ang matinding apela ng Department of Finance sa mamamayan ngayong nararanasan ang tuloy tuloy na oil price increase.

Mahigpit na ipinanawagan ni Finance Assistant Secretary Paola Alvarez sa publiko na gawin ang kaukulang paghihigpit ng sinturon o pagtitipid dahil ito ang kailangan ngayong nararanasan ang hindi mapigilang pagtaas ng presyo ng langis.

Umapela rin ni Alvarez sa publiko na dapat sa ngayong panahon ay magtulungan ang bawat isa lalo na’t nakagiya na sana ang bansa sa economic recovery.

“Ang nararanasan sa kasalukuyan ay isang global crisis at ang kailangan dito ay ang pakikipag-usap sa isa’t isa upang maunawaan ang sitwasyon at maisagawa ang kailangang mga hakbang,” pahayag ni Alvarez.

Gayunman kumpiyansa ang pamahalaan na pansamantala lamang ang nangyayaring krisis at malalampasan din ito sa pamamagitan ng partisipasyon ng bawat isa at paghihigpit muna ng sinturon.
Matatandaan una nang iminungkahi ng NEDA na buhayin muna ang pagbibisikleta para makatipid sa sumisirit na halaga ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan. BETH C