ANG katangiang organisado sa lahat ng bagay ang nagtulak sa Filipino-Chinese na si Phoebe Real upang pasukin ang online selling business ng mga cabinet.
Noong una ay mga organizer bag ang kanyang ibinebenta sa online, nagbenta rin siya ng mga cellphone cases na may mga precious stones at pumatok ito sa mga artista.
Sa kabila nito ay hindi nakuntento si Phoebe, gusto niya ay magkaroon siya ng sariling produkto.
Taong 2019 ay bumalik ito sa online selling sa sarili na niyang kompanya at ito ay ang Organono na kauna-unahang nagdala sa Filipinas ng kakaibang cabinet o ang tinatawag na magic cabinet .
Kinahihiligan ito ng mga millennial dahil bukod sa hindi mabigat at kayang pagdugtong-dugtungin na hindi na kailangan ng pako at martilyo, ay gawa ang mga produktong cabinet sa high grade plastic resin at ito ay eco-friendly.
Maari rin itong gamitin sa outdoor camping o picnics.
“Kasi habang tumatanda ay naging minimalist ako, mas simpleng buhay para mas happy,” ang pahayag ng 30-anyos na si Real sa panayam ng Pilipino MIRROR.
Ang Organono ay first brand na ginawa ni Real, na ambassador din ng Lazada.
Ito rin ang topseller sa nasabinh platform. SCA
Comments are closed.