MAGIC ‘DI UMUBRA SA LAKERS

Lakers vs Magic

KUMANA si Dennis Schroder ng  21 points at 10 assists upang pangunahan ang  Los Angeles Lakers sa 114-103 panalo laban sa host Orlando Magic noong Lunes ng gabi.

Umiskor sina Anthony Davis at  Montrezl Harrell ng tig-18 points para sa Lakers (36-25), na pinutol ang three-game losing streak at ipinalasap sa  Magic (18-43) ang kanilang ika-5 sunod na pagkabigo.

Abante sa 95-91, may 6:47 ang nalalabi, umiskor si Schroder ng siyam na sunod na puntos at na-outscore ng Lakers, tangan ang fifth-seed sa Western Conference, ang Magic, 12-5, sa sumunod na mahigit apat na minuto upang makalayo.

Nagtala si Chuma Okeke ng 18 points at 5 rebounds upang pangunahan ang  Magic, habang tumipa si Gary Harris ng17 points.

Ito na ang pinakamatikas na performance ni Davis magmula nang magbalik mula sa 30-game absence dahil sa right calf at heel issues, sa pagkamada ng 8 of 15 mula sa  field (1-for-4 mula sa 3-point range) at tumapos na may 8 rebounds at 3 assists. Naglaro si Davis sa loob ng 31 minuto at 22 segundo sa kanyang ikatlong laro magmula nang magbalik-aksiyon.

Bumuslo ang Lakers ng 54 percent mula sa field at naisalpak ang 11 sa 31 triples habang na-outscore ang Magic, 56-40, sa paint.

T’WOLVES 105,

JAZZ 104

Umiskor si D’Angelo Russell ng game-winning layup sa mga huling segundo at tumapos na may 27 points mula sa bench upang pagbidahan ang Minnesota Timberwolves sa 105-104 panalo kontra Utah Jazz.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Minnesota laban sa Jazz (44-17) sa loob ng tatlong araw. Ang magandang balita lamang para sa Utah  sa tatlong araw na iyon ay sila ang unang koponan na nakakuha ng playoff matapos ang aksiyon noong Linggo.

Hindi na naman naglaro si All-Star guard Donovan Mitchell dahil sa sprained ankle.

Nagdagdag si Karl-Anthony Towns ng 21 points at 11 rebounds, habang gumawa sina Anthony Edwards at Juancho Hernangomez ng tig-14 points. Nag-ambag si Naz Reid ng 13 points para sa T-Wolves (18-44) na winalis ang Jazz, 3-0, sa kanilang  season series.

Nanguna si Mike Conley para sa Jazz na may 26 points at nakaposisyon na maging bayani ng laro makaraang maisalpak ang go-ahead 3-pointer, subalit nag-iba ang resulta ng laro. Sinamantala ni Russell ang blown defensive assignment ng Jazz, at binigyan ang T-Wolves ng isang puntos na kalamangan sa pamamagitan ng isang wide-open layup, may 4.2 segundo na lamang ang nalalabi.

Sa iba pang laro, umiskor si Chris Paul ng pitong puntos sa loob ng 70 segundo sa huling bahagi ng fourth quarter upang selyuhan ang comeback win para sa bisitang  Phoenix Suns kontra New York Knicks, 118-110.

Nadominahan ng Sacramento Kings ang Dallas Mavericks, 113-106; ginapi ng  Denver Nuggets ang Memphis Grizzlies, 120-96; pinataob ng Toronto Raptors ang  Cleveland Cavaliers, 112-96; namayani ang San Antonio Spurs laban Washington Wizards, 146-143, sa overtime; pinalamig ng Chicago Bulls ang Miami Heat, 110-102; pinatiklop ng New Orleans Pelicans ang Los Angeles Clippers, 120-103; at tinambakan ng Philadelphia 76ers ang Oklahoma City Thunder, 121-90.

7 thoughts on “MAGIC ‘DI UMUBRA SA LAKERS”

  1. 985868 602940Id must consult you here. Which is not some thing It is my job to do! I spend time reading an post that might get individuals to think. Also, several thanks for permitting me to comment! 379406

  2. 832474 553821Oh my goodness! a great post dude. Thanks a lot Nevertheless I will probably be experiencing trouble with ur rss . Dont know why Not able to sign up for it. Is there every person acquiring identical rss issue? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 797513

  3. 186157 436758Thank you for the auspicious writeup. It in fact was a amusement account it. Look advanced to far more added agreeable from you! Nonetheless, how could we communicate? 720131

Leave a Reply

Your email address will not be published.