Magiging daughter-in-law ni Kris Aquino, hindi pamamanahan ng branded bags

HINDI  pamamanahan bi Kris Aquino ng mamahaling bags at sapatos kahit sino pa ang maging daughter-in-law niya kina Joshua at Bimby.

Sa totoo lang, napakarami raw niyang luxury bags at shoes na ni hindi pa naa-unbox dahil hindi naman siya umaalis, pero wala pa rin siyang balak na ipamigay ito dahil ito ang kanyang collection.

Sayang nga raw at wala siyang anak na babae, para sana may gagamit ng mga ito kahit paano.

Malamang raw, i-donate na lamang niya ito sa charity kapag dumating ang tamang panahon.

Pero sa ngayon umano ay Malabo pa siyang magkaroon ng daughter-in-law, dahil hindi interesado si Joshua at napakabata pa ni Bimby kahit sobrang tangkad nito. Hindi naman kataka-taka dahil ang tatay ni Bimby na si James Yap ay matangkad rin. May pagmamanahan. Kaya lang, mas tutok umano si Bimby sa pag-aaral kaya hindi ito nahihilig ngayon sa athletics, kahit pa sa basketball kung saan nga sumikat ang kanyang ama. Hindi raw naman niya ito pinipilit dahil 13 pa lang ito at growing child pa. siguro raw, pag huminto na ito sa paglaki, saka lang makakaisip na maglaro ng basketball. Malay mo, matulad siya sa tatay niyang si James na dalawang beses na naging Most Valuable Player sa Philippine Basketball Association.

Ang sigurado lang niya, hindi mag-aartista si Bimby dahil sabi raw nito, walang pera sa showbiz.

Mas interesado raw ang bunso ni Kris sa information technology. Hindi rind aw nakikialam si Kris sa kung anumag gustong pag-aralan ng kanyang anak dahil gusto niyang sila ang magpasiya kung anong field ang gusto nilang i-pursue, lalo na nga si Bimby.