MAGING KAGALANG-GALANG NA ABOGADO

Senador Aquilino Pimentel III

MALUGOD na binati ni Senate Trade and Commerce Committee Chair Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Biyernes ang 1,800 na nakapasa sa 2018 Bar Exams at hini­mok ang mga bagong abogado na magsilbing kampeon ng alituntunin ng batas, may konsensiyang opisyal ng hukuman at kagalang-galang na miyembro ng propes­yong legal.

Pinaalalahanan ni Pimentel, na nanguna sa 1990 Bar Exams, ang bagong batch ng mga abogado na mayroon silang obligasyon na pagtibayin ang kanilang panunumpa bilang abogado at sa anumang pagkakataon, hindi nila tatalikuran ang kanilang mga prin-sipyo.

“The Lawyer’s Oath is very clear. It says: ‘I will support the Constitution and obey the laws as well as the legal orders of the du-ly constituted authorities therein; I will do no falsehood, nor consent to the doing of any in court; and wittingly or willingly promote or sue any groundless, false or unlawful suit, or give aid nor consent to the same.’ Unfortunately, there are lawyers in our country who forget this,” daing ni Pimentel, na nakamit ang kanyang law degree mula University of the Philippines.

“Your good name is your greatest asset, and you should never sacrifice this for either financial gain or personal advancement,” sabi ni Pimentel, na sinundan ang yapak ng kanyang ama na si dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr., na isa ring abogado.

Ayon sa reeleksiyonistang lehislador mulang Mindanao, tumigil sa pagseserbisyo sa publiko ang kanyang ama nang walang ba-hid ng anumang kaso ng korupsiyon.

“This was one of his legacies—one that my family holds dear and one that I have worked to uphold during my time in the Sen-ate,” ani Pimentel.

Pumasa ang 1,800 mula sa 8,155 examinees sa Bar Exams, na gina­nap sa University of Santo Tomas sa loob ng apat na araw ng Linggo noong Nobyembre noong nakaraang taon.

Nanguna sa Bar ngayong taon si Sean Borja mula Ateneo De Manila University, na nakamit ang iskor na 89.3% sa exams na ki­nober ang iba’t ibang bahagi ng batas kagaya ng Political Law, Labor Law, Civil Law, Taxation, Mercantile Law, Criminal Law, Remedial Law at Legal and Judicial Ethics.

One thought on “MAGING KAGALANG-GALANG NA ABOGADO”

Comments are closed.