MAGING MAINGAT SA INTERPRETASYON NG DATOS SA ALERT LEVEL-DOH

IGINIIT ng Department of Health na dapat maging maingat sa interpretasyon ng datos sa harap ng mga ulat na ibababa na sa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR) pagdating ng Oktubre.

Nauna rito, inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Behnur Abalos na kung magpapatuloy ang pagbuti ng indikasyon ng COVID-19 cases ay maaaring ibaba na sa Alert Level 3 ang Kamaynilaan.

“Kung mag-a-alert Level 3, halos lahat po ay 30 percent na ng capacity. Madadagdagan po ang ating negosyo. So, napakaganda po no’n,” ayon kay Abalos.

Sa Alert level 3 ay maaari nang bumiyahe, pag-ehersisyo sa labas, limitadong pagbubukas ng establisimyento na bawal sa Alert Level 4 at iba pa.

Pero ayon naman kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaaring bumaba ang mga kaso dahil sa pagbaba ng testing na isinasagawa sa laboratoryo at ang paggamit ng antigen test na hindi pa sinasama sa opisyal na report.

3 thoughts on “MAGING MAINGAT SA INTERPRETASYON NG DATOS SA ALERT LEVEL-DOH”

  1. 29781 965136Hmm is anyone else experiencing problems with the images on this weblog loading? Im trying to find out if its a problem on my end or if its the weblog. Any feed-back would be greatly appreciated. 215371

Comments are closed.