MAGING MAINGAT SA KALUSUGAN AT KAPALIGIRAN NANG MAIWASAN ANG NCOV

MAGING MAINGAT-1

(NI CYRILL QUILO)

MATAPOS ang Pasko at Bagong Taon unang buwan pa lamang ng taon ay humarap ang bansang Filipinas sa isang kalamidad. Halos kapapasok pa lamang ng buwan nang maranasan ang pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas. Maraming bayan ang apektado ang pamumuhay pati na rin ang kabuhayan. Nag-rescue, nag-force evacuation at lockdown sa iba’t ibang bayan sa probinsiya ng Batangas. Nagbayanihan at naghatid ng kanya-kanyang tulong ang ating mga kababayan sa mga naapektuhan.

MAGING MAINGAT-2Matapos ang mahigit dalawang linggong hirap na naranasan ng marami na­ting kababayan, natapos din ang kalbaryo sa evacuation centers, muling pinabalik ng lokal na pamahalaan ang mga bayan na nasa loob ng kilometer 14 ng danger zone nang ibaba ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs ang alert level 3.

Halos nagiging normal ang sitwasyon at nakauwi na ang mga ibang pamilya, ngunit ang iba ay nananatili pa rin sa evacuation centers.

Matapos ang kalamidad na ito, may muling kinahaharap ang ating bansa. Bago ang Chinese New Year nitong buwan din ng Enero, isang sakit ang dumapo sa mga tao na nakahahawa. Mabilis itong kumalat sa iba’t ibang bansa na nagmula sa Wuhan, China. Tinawag itong Novel Corona Virus o NCoV.

May mga sabi-sabi diumano na ang virus na ito raw ay nagmula sa kinakain ng mga Chinese na exotic food tulad ng kung ano-anong insekto. Mahilig din daw ang mga Chinese na kumain ng paniki, daga, ahas, scorpion, bulate at kung ano-ano pa. Marami na ring namatay na Chinese. Wala pa rin ka­sing bakuna o gamot ang makasusugpo sa NCoV.

Nitong mga i­lang araw na nakararaan, iilan pa lang sa mga bansa ang nagkaroon nito. Sa Fi­lipinas, isa ang kompirmadong positibo sa nakahaha-wang virus.

Ang coronavirus ay nagmula sa simpleng sipon at kapag lumubha tulad ito ng sakit na Middle East Respiratory Syndrome (MERS) at Severe Acute Respiratory syndrome (SARS).

MAGING MAINGAT-3Nakukuha ito sa pakikipagkamay o shake hands. Gayundin ang pakikisalamuha ng malapitan. Ang mga sintomas nito ay lagnat, ubo, sipon, hirap sa paghinga dahil sa problema sa daluyan ng hangin. Maaari rin itong maging sanhi ng Pneumonia, Acute respiratory syndrome at pagkamatay.

Ang mga bansang kompirmadong may NCoV ay ang China, Hong Kong, Thailand, Australia, Malaysia, Singapore, France, Japan, South Korea, Taiwan, Macau, US, Vietnam, Nepal, Sri Lanka, Cambodia, Ivory Coast Africa, Canada at Germany.

Wala pang gamot o bakuna ang sakit na ito. Pero mayroon tayong mga dapat gawin nang maiwasan ito. Una na rito ay ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig. Mag-alcohol din ng kamay palagi. Lumayo at takpan ang bibig at ilong kapag uubo o babahing. Umiwas sa mga taong may lagnat, ubo at sipon. Umiwas sa mga alagang hayop na mayroong coronavirus. At siguraduhing naluto ng maayos ang mga pagkain tulad ng karne at isda.

Ayon sa Department of Health (DOH), alalahanin ang mga letrang:

W-wash your hands often

U-Use masks properly and when necessary

H-Have your temperature checked

A-avoid large crowds and stay at home if sick

N-never touch your face with unclean hands

MAGING MAINGAT-4Ang matataong lugar ay higit na kinatatakutan ng lahat. Dahil sa hindi natin alam kung sino-sino ang ating nakasasalamuha. Ang tulad ng SM ay isa sa malapit sa mga virus dahil sa aircondition ang lugar, sari-sari rin ang tao na ‘di natin alam kung saan nanggaling.

Kaya higit na dapat mag-ingat ang mga empleyado at pupunta sa mall. Bilang paghahanda, nagsagawa ng disinfection ang SM City Calamba. Nilinis nito ang handrails sa mga hagdanan at button ng elevator. Naglagay rin sila  ng mga alcohol o sanitizer sa mga palikuran at sa lahat ng pintuan na pa-pasukan ng mga tao na nagnanais pumunta sa loob ng mall.

Mas mabuti ng handa at maagap ang lahat at lahat tayo ay sama-samang manalangin na matapos at mapuksa ang virus na ito. Lahat tayo ay makakayang labanan ito. Kaya’t maging maingat at maging malinis sa katawan, gayundin sa kapaligiran.

Comments are closed.