MAGING MAINGAT SA KINAKAIN AT INIINOM

EATING-1

Ni CHE SARIGUMBA

MAHILIG tayong mga Filipino sa pagkain. Hindi rin nawawala ang inuman lalo na kapag may handaan. Kung minsan din, hindi natin napapansing napararami na ang pagkain natin at pag-i­nom na nagiging dahilan kaya’t nagkakaroon tayo ng sakit.

Very noble organ, ganyan kung ilarawan ni Sanofi Consumer Health Care Country Medical Lead Dr Allan Jay Domingo ang liver. Ayon pa rito, noble ang angkop na salita upang ilarawan ang liver dahil ito ang body’s most overworked organs. Tinawatag din ang liver na “Silent Hero,” dahil sa role nito sa pagpo-process ng chemical sa katawan.

Malaki ang gina­gampanang trabaho o responsibilidad ng liver sa katawan dahil ito ang nag-iipon ng mga bita­mina, mineral at energy para i-release sa blood. Tinutulungan din nito ang katawan upang ma-resist ang infections sa pamamagitan ng pagpo-produce ng immune factors at pagtatanggal ng bacteria mula sa dugo. Kino-convert din nito ang pagkaing ating kinukunsumo para maging energy at nagpo-produce ng chemicals na kailangan ng utak at spinal cords. Ang liver din ang nagde-detoxify sa pamamagitan ng pag-metabolize at pag-expell ng drugs, alcohol at environmental toxins mula sa ating sistema o katawan.

Tumutulong din ito upang ma-digest at ma-absorb ang mahahalagang nutrients mula sa ating kinakain.

Mayroon ding misconception na ang mga alcohol drinkers ang pinakaapektado ng liver disease—isa na nga rito ang tinatawag na Alcoholic Fatty Liver Disease (AFLD).

“The thing about certain liver diseases is that some of them have no manifestations or symptoms, particularly in the early stages,” ani Domingo.

Ilan sa mga sintomas nito ay ang bloating of the abdomen, fatigue, pain in the upper right abdomen, enlarged breasts in men, red palms at ang pani­nilaw ng balat at mata, isang kondisyong tinatawag na jaundice.

Mayroon ding liver disease na kung tawagin ay Non-Alcoholic Fatty Liver Disease (NAFLD)na ang isang tao ay nagkakaroon ng fatty liver kahit na kaunti lang ang iniinom nitong alcohol o talagang hindi umiinom.

Nakaaalarma ang NAFLD kung ang sintomas ay walang physical manifestation.

Mara­ming dahilan kung bakit naaapektuhan ang liver health gaya na lang ng prolonged medication, viruses, parasites at obesity.

Responsibilidad ng bawat isa sa atin ang pag-aalaga at pagpapatingin sa liver. Tandaan din na­ting ang liver ang nakapagbibigay ng energy sa ating katawan na kaila­ngan natin sa araw-araw. Ito rin ang nagpoproseso ng lahat ng ating kinakain at iniinom kaya’t dapat nating ingatan at alagaan.

Bukod din sa pagkain ng masusutansiyang pagkain at pag-iwas sa pag-inom ng alak, maaari ring magpa-blood test upang malaman ang kondisyon ng liver at ma-monitor kung may damage ba ito. Ang naturang test ang siyang susukat ng levels ng certain enzymes at proteins sa dugo.

Ilan naman sa mga pagkaing mainam sa liver ay ang berries, oatmeal, dark chocolate, kale at  garlic. Gayundin ang mga inumin gaya ng coffee at green.

“Foods rich in antioxidants are liver-friendly. They include fruits and vegetables,” wika pa ni Domingo.

Ang pag-inom din ng medicine gaya ng (Phospholipids) Essentiale® Forte P ay nakatutulong upang mag-function ng maayos ang liver dahil naglal-aman ito ng purified EPL® (Essential Phospholipids) na mula sa natural food with precise technology from Germany. Madali lang din itong ma-absorb ng liver cells. Ang Essentiale, isang over-the-counter medicine, ay tumutulong para sa pagpapalakas ng liver by promoting the repairing function and regeneration of liver cells.

Malaki ang gina­gampanang papel ng ating liver. Kaya naman, huwag natin itong i-take for granted. Maging maingat tayo sa ating kinakain at iniinom.